Chapter 11

88 31 1
                                    

Morice's

Tinakpan ko ang tainga ko gamit ang unan ngunit patuloy ko pa rin silang naririnig.

"PONYETA KA MARIO!! LUMAYAS KA NA LANG DITO SA BAHAY!"

"PARA SA KAALAMAN MO ALICE, AKO ANG BUMUBUHAY SA PAMILYANG TO!"

"KAYA KONG BUHAYIN ANG ANAK MO! ITUON MO NA LANG YAN SA PANGBA-BABAE MO!"

"NAPAKA TAMANG-HINALA MO TALAGA!"

Hindi ko natiis ang ingay kaya dali-dali akong nagbihis at dinala ang wallet at cellphone bago lumabas ng bahay.

Maga-alas onse na. Malamig na ang gabi at medyo tahimik na ang daan. Saan naman ako pupunta nito? Tssk.

Sa kakalakad ko ay may nakita akong open na ministop. Pumasok ako dito at bumili ng maka-kain tsaka mai-inom. Dito na lang muna ako magpapalipas ng oras.

Binuksan ko na lang ang data at nagtingin-tingin sa dummy account. Dito lang nababaling ang atensyon ko para makalimutan ang mga problema.

"Miss, mukhang minor ka pa. Dapat hindi ka umiinom ng ganyan." Sabi ng lalaki na biglang umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

Napatingin naman ako sa bote ng San Miglight na hawak-hawak ko.

"Wag kang OA Sir. Di naman ako malalasing nito." Sagot ko sa kanya.

Nagkibit-balikat lang ito kaya bumalik na lang ako sa pinagkaka-abalahan ko at hindi na sya pinansin.

"Napakatamad mo talaga kuya! Sabi ko ikaw ang pumila do- Morice!?"

"Maxene!?"

"Magkakilala kayo?"

"Magkakilala rin kayo!?"

"At magkakilala kayo!?"

"Ay nako! Sandali nga. Di tayo magkaintindihan. Umusog ka don kuya!" Sabi ni Maxene dito sa lalaki at umupo rin katabi nya.

So bale, kaharap ko silang dalawa ngayon.

"Gabing-gabi na. Bakit nandito ka?" Tanong ni Maxene.

Nagkibit-balikat ako at tinungga ang San Miglight.

"Kuya! Umuwi ka na nga don! Di naman kayo close. Wag ka na maki-tsismis." Utos ni Maxene sa lalaki.

"Eh paano ka? Tssk."

"Susunod ako."

"Lilipat na lang ako ng upuan. Mabugbog pa ako ni tito kapag umuwi akong hindi ka kasama." Sagot naman nung lalaki bago tumayo at lumipat nga ng ibang upuan.

"Taena mo! Yung medyo malayo naman. Nakiki-tsismis ka pa rin e!" Batok ni Maxene sa kanya.

Pinagmasdan ko lang silang dalawa habang nagbabangayan. Sumubo ako sa binili kong malaking tortillos.

Nang makontento si Maxene sa pwesto nung lalaki, ay tsaka sya muling humarap sa akin.

"Tell me best. What is it?" Tanong nya.

"Ang ano ba?" Balik tanong ko rin sa kanya.

"Alam kong may problema ka. Kanina pa," sabi nya sabay pangulambaba.

"Penge ako ah, hehe. Sige kwento ka na." Dugtong nya pa sabay kuha sa tortillos ko.

Napabuntong-hininga ako at wala nang nagawa kundi magkwento sa kanya. Kailangan ko rin naman ng mapapaglabasan ng sama ng loob.

Ilang araw ko nang kinikimkim yung sakit, galit, at lungkot. Hanggang sa maghalo-halo na yung nararamdaman ko. Ilang araw na ring nag-aaway sila nanay at tatay. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Pakiramdam ko nagiging manhid na ako.

Lovers in Fake WorldWhere stories live. Discover now