Chapter 16

76 25 0
                                    

Yung plinano ko kahapon na pagtulog--- hanggang plano na lang pala yon.

"1 and 2 tak tak, tak tak tak," instruksyon ni Mark.

Seryoso naman naming sinunod yung steps na tinuro nya.

Tak tak tak, itaktak mo aww! itaktak mo aww! Takataktakataktaktaktakatak.

"Aww!" Sigaw ko nang lumagapak ako sa lupa.

Lahat ay natigil sa pag-sayaw at napatingin sa akin.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Joena.

"Ah hehe, wala. Natapilok lang," sagot ko naman habang hinimas ang pwet.

Tinulungan ako ni Adrian na makatayo na pinagpasalamatan ko naman.

Damn. Kung ano-ano kasi iniisip mo Max e. Takatak ka pa ha.

"Osya, break na muna. Nasa kalahati na rin naman tayo." Saad ni Mark na ikina-tuwa ng mga kaklase ko.

Kinuha ko ang tubig sa bag at umupo sa may tabi ng kalsada.

Bumili na ako ng sariling tubig guiz. Labag pa nga sa loob ko na maglabas ng 16 pesos e. Mahal mahal wala namang lasa. Di pa malamig. Hustisya please.

Kanya-kanyang bili naman ng meryenda ang mga kaklase ko. Si Joena naman ay nakita kong papunta dito sa pwesto ko na may dala-dalang fishball.

Sinalubong ko ito nang may malaking ngiti.

"Ngiti-ngiti ka dyan, kala mo bibigyan kita?" Mataray nyang tanong sa akin.

"Sige na! Isa lang namaan!"

"Oh!"

Inabot nya sa akin ang isang fishball. ISA LANG TALAGA BINIGAY!! Hmph.

Maya-maya ay nag-umpukan na rin dito sila Morice, Hazel, Francis, Adrian, Crizel, at Hoffer.

Dito kami sa park nag-practice dahil hindi na kami magkasya sa bahay nila Hoffer.

Dahil sa wakas, kompleto na kami. As in 35! Walang kulang, pero merong sobra. Yung fiance ni Hazel. Haha.

"Naka-tanggap na ako ng text galing kay Ma'am Daizelle." Saad ni Joena

"Hala bakit ako wala pa."

Kinuha ko ang phone sa bag at tiningnan kung may message na rin ako galing kay Ma'am.

From: +639994351773
This is Daizelle Partia. I want to inform you that you may start your work immersion on Monday. Your schedule is 1:00 PM to 5:00 PM. Please don't be late. Thank You.

"Meron na rin akooo!" Sabi ko sa kanila at pinakita ang message.

"Ay sana ol, tanggap na!" Saad ni Crizel.

"Wala pa ba kayo?" Tanong naman ni Adrian.

"Wala pa. Di pa namin pinupuntahan e. Haha." Sagot naman ni Crizel.

"Baliw. Puntahan nyo na, baka maunahan pa kayo ng iba." Sabat ko naman sa kanila.

"Lagi na lang ba kaming may ka-agaw? Hanggang kailan kami makikipag-kompetensya? Hanggang kai- Aray!"

"Drama ka pa e. Broken ka ba?"

"Hindi naman. Hahaha!"

"Sana ol may lovelife. Haha!"

Nag-kwentuhan lang kami nang nag-kwentuhan hanggang sa mag-practice na ulit. Friday daw ng first week of november gaganapin ang Foundation Day.

Eh ano na ngayon? October 9 na dzai. Tapos may work immersion pang 80 hours.

Lovers in Fake WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon