Chapter 18

60 18 0
                                    

Joena's

"Ma!" Mamamoo

Tagal naman buksan ni mama yung gate.

"MAAAAAAAAAA! SUNOG!"

"Awww"

"Awww"

"Awww"

Buti pa yung mga aso ko, sumasagot sa akin.

Maya-maya ay lumabas na rin si mama.

"Bakit hindi mo binuksan yung gate?"
Bungad nya sa akin habang sinusuot nya yung tsinelas nyang panlabas.

"Eiih! Madami akong dala oh. Tagal tagal mo," sagot sa ko sa kanya.

"Ganda ng pinapanood kong korean novela. Hindi kita narinig."

Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ni whitie, ang brown naming aso tapos si brownie ang puti naming tuta.

Ganda ba ng mga pangalan nila?Contrary sa color ng skin nila. Haha.

Hinubad ko ang sapatos bago ako nakapasok sa loob ng bahay. Baka kasi mag-transform na lang bigla dyan si mama at mabatukan ako ng wala sa oras.

"Kumain ka na dyan, nagutom na kami ni papa mo kaya di ka na na-antay. Nood lang ako dito." Sabi nya at pumunta sa sala.

Dumiretso naman ako sa kwarto at nagbihis. 

Kaka-uwi lang namin galing sa work immersion. Ang hirap pa sumakay kaya nilakad na lakad na lang namin mula sa company pabalik sa school. Doon na lang kami nag-abang ng tricycle dahil walang jeep na dumadaan.

Kaya mga 8:30 na rin ako naka-uwi.

Nag-online ako sa dummy account ko habang kumakain.

Nakita ko namang online na si Max at nakikipag-kulitan na sa GC. Nakikita ko rin sa group chat ang pangalan ni Pearsy. Sus, for sure magka-usap pa rin naman sila sa private message.

Ano bang pake ko? Haha.

Chinat ko na lang ang jowa ko dito. Akala nyo si Max lang? Meron din ako no.

Pero kami pure dummy lang. Boy account ang gamit ko. Sa dummy naman kasi, wala namang pakialamanan kung boy account ang gamit mo pero babae ang operator or vice versa. Tawag sa amin cross-user.

Yun nga lang kapag na-fall ka sa mundong to, talo ka. Kasi hindi mo naman alam yung totoo nyang pagkatao.

Paano pala kung pareho kayong babae? Unless handa kayong makipag-relasyon sa pareho nyong gender.

Edi kung ganon nga ang sitwasyon, bare with it. Maswerte na kung ipaglalaban nyo ang isa't-isa at dadalhin nyo sa real world. Yung ipapakilala mo na yung totoong ikaw.

Not like sa sitwasyon nila Maxene at Pearsy. Si Max lang ang open sa pagkatao nya.

Hinahayaan naman namin sila ni Max kung anong gusto nila. Buhay nila yan .

'Ganon ba beb? Sige magpahinga ka na lang muna."

Basa ko sa message ni Kyela.

Tinapos ko na agad ang pagkain ko at hinugasan ang pinggan.

Humilata na ako sa kama at mag chat lang kami ni Kyela.

We've been in a relationship for 3 months. Late na nga to nalaman ni Max dahil hindi ko naman sinabi agad sa kanya. Haha.

Naadik na rin ako dito sa dummy world, dito ko na lang kasi naramdaman na may kapatid ako maliban kila Max na tinuturing ko nang kapatid for a long time.

Lovers in Fake WorldWhere stories live. Discover now