Chapter 4

106 52 2
                                    

"Max, nasasaktan na kita. Siguro hinihintay mo na lang na bumitaw ako. Max, ayoko na masaktan ka pa lalo. Sorry, sorry, sorry talaga, alam kong kahit ilang sorry ang sasabihin ko, masasaktan at masasaktan ka pa rin. Naghihintay ka na lang sa akin minsan, siguro it's time na para palayain kita. Maraming lalaki mas deserve kesa sa akin. Maraming lalaki pa ang kaya kang alagaan, kaya ibigay ang buong oras nya. Sorry kung di ko maibalik ang dati. Yung dating tayo. Mas maganda siguro kung makahanap ka na nga lang ng iba! Siguro kailangan na nating sumuko sa kung anong meron tayo. Mas magandang mapalaya kita sa isang relasyon na parang nakakulong ka sa isang rehas na madilim at walang kasama, siguro mas better kung ile-let go na kita. Alam ko kahit hindi mo sabihin, naguguluhan ka na e. Naguguluhan ka na sa kung ano nga ba talaga tayo? Sorry ulit sa sakit na pinaramdam ko sayo. Di na yata kayang ibalik yung dating tayo eh. Sorry, Maxene."

Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha habang nakatitig sa kawalan. Katatapos ko lang mag back read sa convo namin ni Pearsy.

Naka-ugalian ko na kasi iyon sa tuwing mabigat ang pakiramdam ko, at mabilis kainin ng insecurities. Napaka immature ko nga ata talaga.

Minsan napapagod na akong lumaban sa relasyon namin. Napagod na kami  noon pero bumalik din naman sa isa't-isa. Dalawang beses na rin kaming nag break ni Pearsy.

Naisip ko rin na parang ako lang ang lumalaban sa aming dalawa dahil sa ilang beses na nya akong pinalaya. Pero who knows? Baka sakit lang rin yung nararamdaman nya at hindi na masaya.

Naalala ko pa noon na sinabi ko sa kanyang "Dalawang beses nang nangyari to. Masyado kang naging padalos-dalos. Kahit iniisip mo pa yung nararamdaman ko. Handa akong masaktan sa kahit na anong paraan, basta hindi mo ako niloloko. Pag naging tatlo to, susuko na rin ako."

Pero simula noon, bumawi sya sa mga pagkukulang nya. Mas naging sweet sya at kapansin-pansin talaga yung pagbabago sa ugali nya. Hindi na mainitin yung ulo nya. Mas malawak na yung pag iintindi nya sa akin at higit sa lahat mas naramdaman ko pa yung pagmamahal nya.

Kaya nasasaktan ako sa tuwing sinasabihan sya ng mga kung ano-ano ng mga kaibigan ko. Although, nandoon yung support nila sa relationship namin pero ramdam ko rin yung doubt nila kay Pearsy.

*ting*

Pinunsan ko ang mga luha at kinuha ang phone. Medyo nasilaw pa ako sa liwanag dahil na rin siguro sa pag-iyak.

Messenger

Pearsy
Active Now

12:03 am

Lovers in Fake WorldWhere stories live. Discover now