Chapter 5

118 50 2
                                    

Pagkatapos na pagkatapos ng exam ay dumiretso kami nila Hazel sa Jollibee.

Napag-usapan namin na doon na lang kami mag lunch. Treat na rin daw namin to sa sarili namin dahil tapos na ang hell week.

Ngayon ay mag c-chill muna kami ng isang linggo bago magsimula ang lessons for finals.

"Padagdagan ng coke float and frice sa akin. Thanks!"

"Sayo Joena?"

"Burger steak lang, tsaka cokefloat na rin."

"Noted! Tara na Max." Aya sa akin ni Morice.

"Ha? Bakit ako?" Reklamo ko sa kanya

"Syempre, ikaw lang yung petiks sa exam e. Ikaw yung hindi masyadong na-stress ang utak. Kaya tara na!" Sabi nya sabay hatak sa akin papunta sa pila.

Napanguso naman ako sa sinabi nya. Hindi raw na-stress. Hindi nga na-stress, pero napagod naman ako maglakad papunta dito no! Hmmph.

"Kumusta naman kayo ni Pearsy?" Tanong nya sa akin habang naka-pila kaming dalawa.

"Ayon, ayos naman. Ibang-iba na talaga sya simula nung nagkakilala kami."

"Ang dami nyo ba namang pinagdaanan e."

"Yeah. Buti na nga lang nawala na yung mga humaharot doon e. Kung meron man, sinasabi nya ka-agad."

"Ay sana ol."

Ilang beses nang na-involve ang third party sa relasyon namin. Hindi naman maiiwasan yun kung yung babae e sadyang maharot talaga. Hindi naman sila in-entertain ni Pearsy sa paraang gusto nila. Lagi rin nyang sinasabi na may girlfriend na sya.

Kaya yun yung ipinagpasalamat kay Lord. Nagawa nya akong mahalin at maging loyal kahit na nasa malayo ako.

"Tatlong order po ng 1pc chicken with fries, tapos po isang burger steak. Cokefloat po lahat ng drinks."

"3 orders of 1pc chicken with fries, 1 order of burger steak and cokefloat for drinks. Is that all ma'am?"

"Yes po. Ayy ate, spicy chicken po ah? Thank you."

Pagkakuha namin ng order ay bumalik na kami sa pwesto namin.

"Here's your order mga madam!" Sabi ni Morice in a sarcasm way.

"Thank youu!!" Saad ni Joena.

"Buti naman at hindi ka na badtrip te." Morice

"Yeah. Masama lang gising. Hehe."

Nagsimula na kaming kumain kaya wala nang nag-imikan.

"Hello welcome back to our channel!!"

"This is Hazelcoconut!! Welcome tooo-"

"TROPANG SABOOOOG!!" Sabay-sabay na sabi namin at nagtawanan.

Para kaming mga baliw habang naglalakad. Maglakad na lang daw kasi kami papunta sa terminal para matunaw yung kinain namin.

Medyo malayo pa para marating namin ang terminal kaya nagkukulitan na lang kami sa daan at naisipan na lang namin na mag vlog kuno.

Nagpaunahan rin kami sa takbuhan kaya mabilis naming narating ang kalagitnaan.

"Whooo, tunaw agad ang taba ko."

"Wag kang assuming te."

"Tara, tambay muna tayo sa park."

"Ang init init!!"

"Nakakapagod kaya. Pahinga lang tayo saglit."

Pagkarating namin sa park, ay umupo kami sa damuhan na natatakpan ng malaking puno. Walang masyadong tao dito ngayon dahil nga tanghali.

Pinagmamasdan lang namin ang natatanaw naming mga sasakyan at ninanamnam ang hangin.

"Opening daw ang school sa Maynila for admission test para sa mga incoming freshmen." Saad bigla ni Morice

"Ang layo naman don. Hassle sa byahe kung sakali." Tugon naman ni Joena.

"Oo nga." Sang-ayon namin ni Hazel.

"Meron naman dito sa lungsod natin. Try na lang natin dito. May allowance pa." Ako

"Anong balak nyong kunin na course?" Tanong ni Hazel sa amin.

"Baka mag psych ako. Depende."

"Siguro, itutuloy ko yung pagiging I.T"

"Educ ako."

"Engineer sana, kaso walang stem sa school natin ngayon. Sana tanggapin sa page-enroll-an ko."

"Magkakaroon daw ng STEM next batch sa school natin ngayon ah."

"Oo nga raw, kaso magiging kulang sa teachers."

"Eh sa atin pa nga lang, parang kulang na kulang na e. Pati teacher sa junior high nila, teacher na rin natin."

"Mismo."

Nang magsawa kami sa kwentuhan ay nagyaya na rin kaming magsi-uwian na.

Halos 1:30 na ako nakarating ng bahay. Tulog siguro sila mama dahil tahimik ang bahay.

Pumanhik na lang ako sa kwarto at nadatnan si Pia na natutulog din. Nagbihis na lang ako bago sumampa sa kama ko at nag phone.

Buti na lang at friday ngayon. Hayahay!

Binuksan ko ang wifi at as usual, sa dummy na naman ako nakatambay.

Notifications

👑 Wattpabd Book Cover Makers 👑 has a new post from Shanayah Moon...
1 hour ago

Candy Xuera, Tuo Harmonica and 3 others posted in Wanted: RS, Wanted: OL...
1 hour ago

Sabrina Archer posted in DW SUPPORT WORKS (OFFICIAL)
2 hours ago

Forest Mint invited you to join GhostBusters. You can visit the group to accept.
2 hours ago

See more.....

Friend Requests

Can't Connect. Please try again
:(

-----

Ayy bastos. Nawalan ng net. Nakailang refresh pa ako pero wala pa rin. Bulok naman ng wifi. Tssk.

Nagbasa na lang ako ng story sa wattpad. Medyo horror na brutal ang eksena dito. Try nyo, "The Sixth Sense." Mukhang worth-it naman sya tapusin hanggang dulo. Nakakaintriga din kasi yung mga pangyayari.

Kung wala nga lang akong exam kahapon tsaka ngayon, baka pinagpuyatan ko na to at tapos nang basahin nung isang araw pa.

Nasa intense part na ako nang bigla akong antukin. Basta talaga tuwing hapon, inaantok ako e. Tapos pag gabi
hindi naman makatulog. Jusme.

Lovers in Fake WorldWhere stories live. Discover now