Chapter 22

53 20 0
                                    

Ini-report na sa security ng mall ang nangyaring insidente. Hindi pa rin nakikita hanggang ngayon ang mga nawalang gamit ni Crizel.

Sa mama nya pala yung isang i-phone at yung isa pa ay sa kanya.

Mahirap din daw na maka-kuha ng lead kung sinong kumuha sa bag dahil unang-una ay sobrang dami ng tao noong panahon na yon.

Atsaka, magkakasama naman yung mga gamit namin, bakit kay Crizel lang yung nawala? Smells something's fishy.

"Max, pahiram akong ballpen," saad ni Adrian.

"Color?" Tanong ko rito.

"Kahit ano," sagot nya sa akin.

Binigay ko yung color violet na ballpen pero nag-reklamo sya.

"Sabi mo kahit ano!" Panga-asar ko sa kanya.

"Sige na nga," napipilitan nyang saad bago bumalik sa pagsu-sulat.

Napa-halakhak naman ako at binigay sa kanya ang itim kong ballpen.

"Akin na yan, di ko rin naman hahayaang ipapan-sulat mo to no. Ang mahal-mahal nito e, kaya mahal na mahal ko rin sya," sabi ko at kinuha ang violet na ballpen sa kanya.

Favourite color ko to e. Masasayang lang yung tinta, buti sana kung maganda sulat nya. De joke. 

Balik na sa normal ang klase. Tinadtad naman kami ng mga assignments at quiz pang-bawi lang daw sa mga araw na hindi kami nag-klase.

Work immersion na lang ang kailangan namin tapusin para makapag-focus na talaga kami sa research.

Kahit ilang revise pa ang sabihin ni Ma'am, hindi ko u-urungan yan, aba!

"Paano yan? Malamit nang matapos ang oras nyo," saad ni Sir Michael.

"Bakit Sir, mami-miss mo kami?" Banat ni Hazel sa kanya.

"Oo naman!" Walang alinlangang sagot ni Sir.

"Yieeeee!"

"Hoy te! Tama na, may fiance ka ng mayaman. Wag na si Sir Michael aba!"

"HAHAHAHAHA!"

"Ang taray naman pala ng fiance mo, Hazel!" Sabi ni Sir Terry.

"Aagawin mo ba Sir?"

"Kung papabol, why not? Haha."

"Aruuuuuy!"

"Biro lang mani. Hahaha!"

"Sir! Ang dugyot naman ng mani!" Nakangusong saad ni Hazel.

Nag-tawanan na lang kami habang tinatapos tong ginagawa namin. So far, nakaka-limang karton naman na ang nagagalaw namin since first day.

Pero sinabihan kaming lahat ni Ma'am Daizelle, na may dadating pa ulit na dalawa bukas. Jusko dzai. Limpak-limpak na mga dokumento na naman yon.

Alas syete na naming na-isipan na mag-out dahil masyado kaming natuwa sa pagk-kwentuhan. Tsaka sulitin na raw namin ang natitira pa naming oras dito.

Para tuloy kaming mamamatay nito.

Actually last day na dapat namin ngayon dahil tapos na ang 80 hours pero tatapusin na lang namin yung ended date sa contract.

Pagkarating sa bahay ay humilata na agad ako sa kama at hindi na kumain sa sobrang pagod.

Hindi ko alam kung napagod ako sa ginawa namin o sa paglalakad ng naka-heels.

May pa-heels heels pa kasing nalalaman e.

Inaantok man ay pinilit ko pa ring mag-online para i-chat si Pearsy. Wala pa rin namang nagbago sa amin kahit na nag-dalawang taon na yung relasyon namin.

Lovers in Fake WorldWhere stories live. Discover now