WG ALEXANDRA - Part 9

2.2K 85 3
                                    

SABI NI AL, naiinip daw ito sa opisina kaya nagpasya na lang na umuwi. Totoo man iyon o hindi, ang ipinagdidiwang ni Alexandra ay ang pagiging magkasalo nila sa tanghalian.

Dahil mag-isa lang naman siya, inaya siya nito na sumalo sa tanghalian ng mga ito. Hindi siya tuwirang tumutol. Sa halip ay siya ang nag-aya sa dalawa na sa unit naman niya kumain.

Pumayag si Al, sa kondisyong ito pa rin ang may sagot sa pagkain.

Inspirado si Alexandra sa pagse-set ng mesa. Nag-volunteer sanang tumulong si Darling subalit nakasumpong naman ang anak nito. Wala naman iyong kaso sa kanya dahil kayang-kaya naman niya ang paghahanda ng mesa.

"Rmember iyong promise ko sa iyo na kakain tayo sa labas?" sabi sa kanya ni Al na nakabalik na. Lumabas ito kanina upang magpa-take out sa restaurant. "Ngayon na sana iyon kaya lang, hindi pa pala nawawala ang pangingitim ng mata mo. Saka mabuti na rin na dito na lang muna tayo. Baka magkaroon pa iyan ng kumplikasyon kung mae-expose sa alikabok."

Napangiti siya sa concern nito. "Ano iyang dala mo?" May tatak ng Max's ang supot na ibinaba nito sa mesa.

"Fried chicken, pancit canton saka ampalaya con carne. Okay na ba ito sa iyo?"

"Okay na okay! Iyan nga din ang palagi kong order kapag nasa Max's ako," sagot niya.

"Itatanong ko nga pala sa iyo kung ano ang gusto mong dessert. Cake or ice cream? Bibili na lang sa ibaba."

"Kahit wala, okay na."

"Don't worry, tuloy pa rin ang dinner natin, Alex. Kapag magaling ka na, tutuloy na tayo."

"Di, magagastusan ka na naman?" kunwa ay pakipot na sabi niya.

"I don't care. A promise is a promise."

Kasalo din nila sa tanghalian sina Darling at Kendrick ngunit dahil sa nakasumpong nga si Kendrick, hindi na tinapos ni Darling ang pagkain nito at iniuwi na uli ang anak. Nagsisimula na kasing magtapon ng pagkain si Kendrick.

"Pasensya ka na sa bata," hinging-paumanhin sa kanya ni Al.

"Okay lang. Naiintindihan ko naman si Kendrick."

"Thanks. Matiyaga ka rin kay Kendrick. Iyong iba, hindi na nga kayang unawain iyong bata, talagang ipinapakita pa ang disgusto. No wonder kung bakit magkasundong-magkasundo kayo ng kapatid ko."

Hindi niya alam kung dapat siyang ma-guilty. Pero naisip niya, kahit naman may usapan sila ni Darling, bukal din naman sa kalooban niya ang pag-uunawa sa kakulangan ni Kendrick. Naaawa pa nga siya sa kalagayan ni Darling dahil sa nakikita niyang hirap nito sa anak.

"Mabait si Darling sa akin. Saka hindi siya plastic. Mararamdaman mo naman sa isang tao kung kaplastikan lang ang ipinapakita sa iyo."

Tumango ito. "Eh, iyong pagpapadala ko sa iyo ng bulaklak, ano ang naramdaman mo doon?"

Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi niya inaasahang tatanungin siya nito nang ganoon ka-direkta.

"Nagulat ka ba sa mga bulaklak?" tanong ni Al nang hindi siya makasagot.

"Oo."

"Nagustuhan mo?"

Ngumiti siya. "Oo naman. Ayan iyong iba," turo niya sa centerpiece ng dining table. "Sa sobrang dami, inilagay ko sa sala iyong iba at sa workroom ko."

Wedding Girls Series 23 - AlexandraWhere stories live. Discover now