WG ALEXANDRA - Part 12

2.7K 100 4
                                    

"WE HAD fun, didn't we?" tanong sa kanya ni Al nang patungo na sila sa kani-kanilang mga unit. Sa buong biyahe ay hindi kumibo si Alex. At hindi naman siya kinulit pa nito.

Tumingin lang siya dito.

"Alex, ngumiti ka naman," hiling nito sa kanya. At ngumiti ito nang maluwang at matamis na tila ba nagsasabing gayahin niya ito.

Hindi naman siya nagpakipot pa. Ngumiti na siya subalit halatang apektado pa rin siya ng pagkapahiya.

"May naisip ako," ani Al.

At bago pa siya nakapagtanong ay mabilis siya nitong kinabig sa kanyang bewang. Naglapat ang kanilang at ganoon din ang kanilang mga labi. Gulat na gulat si Alexandra. Pero mas gulat siya na higit na malakas ang sensasyong mabilis na kumalat sa kanyang katawan.

Sampung beses yatang higit na masarap ang halik na pinagsaaluhan nila ngayon kaysa doon sa nauna.

Siniil siya nito ng halik. Malalim. Mainit.

At gumanti naman siya nang walang inhibisyon.

Matagal ang dumaang sandali. Hindi niya alam kung sino ang kailangang tumapos sa halik niyon pero nang kusang maghiwalay ang kanilang mga labi ay wala siyang naramdamang pagkapahiya o panghihinayang man.

Magaan ang kanyang pakiramdam. At masaya.

"Tayo na, ha?" malambing na sabi nito.

She was stunned again. Tila iyon na ang pinakaromantikong salita na narinig niya sa buong buhay niya. Sa wari ay pinaliguan siya ng isang drum na kilig. Wala siyang naisagot doon kung hindi ang mahigpit na pagyakap dito.

"Yakap ang sagot? Hindi ba puwedeng kiss uli?" tudyo nito sa kanya.

"Nasa pasilyo kaya tayo?" sabi naman niya na nakatawa. "Baka may biglang dumaan."

"Nang alas dos ng madaling-araw?"

"Two am na?" nagulat pa siya.

"Two am na. Ano bang petsa ngayon?"

"March 17."

"We have to remember significant dates," sabi nito. "For our monthsaries, aniversaries."

Lalo siyang napayakap dito. Hindi niya akalaing mas magiging partikular pa ito sa mga ganoong bagay kaysa sa kanya.



WALANG kapantay na kaligayahan ang naramdaman ni Alexandra nang mga sumunod na araw. Umaga pa lang ay nakikita na niya si Al—ito na nga ang gumigising sa kanya. Hindi ito aalis hanggang hindi siya nakikita. Madalas ay kababangon pa lang niya pero wala itong pakialam at hahalikan siya. Sa mga pagkakataong maaga siyang nagigising ay nagkakasabay din silang mag-almusal. Alin sa dalawa, ito ang mag-almusal sa unit niya o siya ang lilipat dito.

Isa pang masaya sa pangyayaring iyon ay si Darling. "Tagumpay" daw sila. At siyempre ay inayunan naman niya.

Mas lalo na siyang kasama ngayon nina Darling at Al kapag ipinapasyal nito sa mall si Kendrick. At siyempre, iba pa ang sarili nilang lakad ng binata.

At hindi nakalimutan ni Al ang kanilang unang monthsary.

Umaga pa lang ay binati na siya ng isang dosenang sunflower. At dahil sa malaki ang mga bulaklak, halos hindi magkasya sa pinto niya ang arrangement niyon nang i-deliver sa kanya.

Wedding Girls Series 23 - AlexandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon