Chapter 3

42.8K 844 14
                                    

JANE'S POV

NANDITO ako ngayon sa sala nakaupo sa sofa, kakatapos ko lang kumain at painumin ang anak ko ng gatas. Napangiti na lang ako habang tinitignan si Jacob na pinapatawa ang anak ko. Mas gusto ko kung kompleto kami pero hindi na pwede, mas pinili kasi ni Ace yung babae niya kesa sa amin ng anak ko.

Napabuntong hininga na lang ako habang iniisip yung mga masasayang araw nung kami pa ni Ace. Napailing na lang ako dahil hindi pa rin siya mawawala-wala sa isip at puso ko. Siya pa rin ang itinitibok nito.

Napabalik ako sa reyalidad ng may bumato sa aking ng unan.

"Okay ka lang? Ang lalim ng iniisip mo." Natatawa nitong saad. Napa face palm na lang ako at babatuhin ko sana siya ng unan ng maalala ko pala na karga nya anak ko. Papalagpasin ko muna siya sa ngayon.

"Hahaha. Nakakatawa." Iyan na lang yung sinabi ko. Napailing na lang ito. Gwapo sana, mongoloid lang. Inilagay na niya ang anak ko sa crib dahil nakatulog na ito.

"Iniimagine mo ba ako Jane? Ang laki kasi ng pagkakangiti mo habang tumitingin sa akin ng malagk--" Hindi niya naituloy ang kanyang pagkakasabi ng binato ko siya ng unan at saktong tumama ito sa kanyang mukha.

Nanlaki ang aking mata ng tumakbo ito papalapit sa akin kaya napatayo ako. Kiniliti niya ako kaya napatawa ako ng malakas habang pinipigilan ang kanyang kamay. Hanggang sa bigla akong nadulas at nasa ibabaw siya.

Pareho kaming natahimik dahil malapit ng magkadikit ang aming mga labi. Lumunok ito habang nakatingin sa akin. Tinulak ko ito at pinagpag ang aking sarili. Jusko, kung hindi ko siya tinulak, baka nahalikan na niya ako.

Hindi siya makatingin sa akin at parang nahihiya. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"Ahm, matutulog na ako. Saan ba yung kwarto mo?" Tanong ko rito.

"Sundan mo na lang ako." Mahina nitong saad habang namumula ang kanyang mukha. Kinuha ko si baby at sumunod sa kanya paakyat hanggang sa marating na namin ang kanyang kwarto.

Inilibot ko ang aking tingin sa kanyang kwarto. Napamangha ako sa ganda nito. Black and white yung color niya na may mga painting na nakalagay sa paligid. Sobrang linis rin na parang wala kang makikitang alikabok. Mayaman talaga ang mongoloid.

"Saan ka matutulog?" Tanong ko rito. Nakakahiya naman kung kami lang ang anak ko 'yung matutulog dito.

"Sa sofa na lang ako. Malaki rin naman 'iyon." Sagot nito habang nakangiti.

"Sure ka ba na sa sofa ka matutulog? Pwede naman na dito ka na lang matulog. Malaki rin naman yung kama." Saad ko dito pero umiling ito.

"Huwag na. Sa sofa na lang ako para mabantayan ko rin itong bahay kung may mangloob man. Idadala ko na lang yung bag mo dito."

"Sige, salamat." Niyakap ko siya pagkatapos ay pumasok na ako. Inilagay ko muna ang anak ko sa kama. Ni lock ko muna ang pinto bago ako maghubad ng damit. Gusto ko munang maligo.

Pumasok ako sa cr at kompleto na yung mga gamit. May mga sabon na naka box pa at mga shampoo. Binuksan ko ang shower at dinama ang lamig ng tubig na tumatama sa katawan ko.

Pagkatapos kung maligo ay naghanap ako ng tuwalya sa cabinet ni Jacob. May nakita naman ako kaya ipinunas ko ito sa aking katawan. Tatawagin ko na sana si Jacob ng makita ko ang aking bag na nakalagay sa sahig. Baka dinala na niya ito habang ako ay naliligo.

Pagkatapos kung magbihis ay tinabihan ko ang aking anak. Ang sarap ng pagkakatulog niya. Biglang may nag ring sa cellphone ko kaya kinuha ko ito at tinignan. Unknown number ito. Sino naman kaya itong tumawag? Sinagot ko na lang ito.

"Hello?" Tanong ko rito. Nagtaka ako ng walang sumagot. "Hello? Sino ito?"

"It's me, Ace." Agad kong pinatay ang tawag at pinindot ko ang power off sa aking cellphone.

Saan naman kaya niya nahanap itong number ko? Sa pagkakaalam ko ay tinapon ko na 'iyong lumang simcard ko. Gagawin talaga niya ang lahat para makuha lang ang anak ko. Inilagay ko na lang yung cellphone ko sa table, katabi nitong kama na hinihigaan ko.

Tinignan ko ulit ang anak ko. Walang makakapaghiwalay sa atin baby, pangako 'iyan.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Where stories live. Discover now