Chapter 7

33.4K 687 19
                                    

JANE'S POV

Nagising nalang ako ng maalala ko na birthday na pala ng anak ko. Agad akong tumayo at hinalikan muna ang anak ko na natutulog bago ako pumunta sa banyo para gawin ang daily routine ko. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng formal dress dahil may mga bisitang dadating ngayon.

Biglang may kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito at bumungad sa aking harapan ang isang yaya. Kumuha pala si Jacob ng yaya?

"Good morning po ma'am Jane. Ako na po ang magbabantay kay baby para makapaghanda kayo." Saad nito habang nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

"Sige po manang. Salamat." Lumabas na ako ng kuwarto para hanapin si Jacob. Inilibot ko ang aking tingin at napamangha sa nakita. Handa na ang lahat. May naka decorate na at may nakalagay na 'Happy 1st Birthday Baby Adrian' napangiti na lang ako. Pinaghandaan niya talaga ang kaarawan ng anak ko.

Bumaba na ako at may mga katulong na nag-aayos sa bahay para mamaya. Hinanap ko si Jacob pero hindi ko makita kaya nagtanong na lang ako.

"Excuse me po. Nakita mo ba si Jacob?"Tanong ko sa lalaking may bitbit na lamesa. Mukhang ilalagay niya ito dito.

"Ah ma'am. Umalis po si sir Jacob." Tumango na lang ako at nagpasalamat sa kanya. Tumulong na lang ako sa pagsabit ng mga dekorasyon dito sa condo ni Jacob.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ang saya-saya ko dahil natupad talaga ang hiling ko na meron susuporta sa pagbibirtday ng anak ko at 'yun ay si Jacob. Hulog talaga siya ng langit.

"Ma'am Jane. Huwag na lang po kayong tumulong. Kami na lang po ang bahala." Mukhang nahihiyang saad ng katulog.

"Okay lang. Sanay naman ako sa gawain na ito." Sagot ko dito. Ngumiti naman ito.

"Baka mapagalitan ako ni sir Jacob kapag nakita niyang tumutulog ka sa amin." Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Hindi 'iyon magagalit. Magtiwala ka lang."

"Sige na nga ma'am." Nginitian niya ako at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Kailan kaya dadating si Jacob? Pagkatapos naming mag decorate ay umupo muna ako sa sofa para magpahinga.

Biglang may pumasok kaya napatingin ako dito at bumungad si Jacob na nakangiti habang may dalang cake.

"Bumili ka pala ng cake? Ba't hindi ka nagsabi?" Kunwari nagtatampo kong tanong.

"Ayaw kong maabala ka sa pagtulog kaya hindi na lang kita ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo." Natatawa nitong sabi. "Ilalagay ko muna itong cake sa table pagkatapos ay aalis tayo."

"At saan naman tayo pupunta? Paano ang anak ko? Hindi ba natin isasama?" Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Napairap na lang ako dahil lumabas naman ang pagka mongoloid niya. Feeling famous.

Nagulat na lang ako ng hinila niya ako patayo at lumabas kami sa kanyang condo.

"Huy Jacob! Bitawan mo nga ako. Paano 'iyong anak ko?" Sigaw na tanong ko rito.

"Si Manang Belin na lang ang bahala." Malumanay nitong sagot at ipinasok ako sa sasakyan. Wala akong magawa dahil sinirado na niya ang pinto ng kanyang kotse at pumasok na rin ito. Pinaandar na niya ito at pinaharurot.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko ulit dito.

"Secret. Basta huwag ka ng tanong ng tanong. Just keep calm and relax"

"Paano ako magiging calm at relax kung may bumabagabag sa aking isipan aber?" Pamimilosopo ko. Napailing na lang ito.

"Ang kulit mo talaga. Pupunta tayo ng mall. Bibilhan kita ng damit."

"Eh? Huwag na. Nakakahiya naman. Okay na 'iyong pinatira mo na ako sa condo mo." Nahihiya kong sabi.

"Basta bibilhan kita ng mga damit and its final."

"Paano naman 'iyong birthday ng anak ko?"

"Mamaya pa naman 'iyon." Tumahimik na lang ako dahil baka mairita ito dahil tanong ako ng tanong. Tinignan ko si Jacob ulo hanggang paa. Nakapolo ito na bumagay sa kanyang suot na pants at sapatos. Nagmukhang tao.

"Ba't mo ako tinitignan. Nagagwapuhan ka saki n?" Tanong nito habang nakangisi. Nanlaki ang aking mata at tumingin sa ibang direksyon.

"Ang hangin mo talaga. Hindi ba pwedeng tinignan lang kita kasi nagmukhang tao ka?" Pagsusungit ko rito.

"Palusot pa." Bumulong ito pero narinig ko naman kaya hinampas ko ito at kinurot.

"Aray! Shit! Ang sakit ng braso ko. Alam mo bang nagdadrive ako? Baka mabangga tayo."

"Paki ko kung mabangga tayo?" Inirapan ko na lang ito hanggang sa huminto ito dahil nandito na kami sa mall. Una akong lumbas at padabog na sinira ang pinto ng kanyang kotse. Sana masira.

"Huy Jane! Teka! Hintayin mo ako!" Sigaw ni Jacob pero hindi ko ito tinignan at naunang maglakad. Hanggang sa bigla akong natapilok at nabangga ang babae at pareho kaming natumba.

"The fuck! Watch your step bitch!" Sigaw ng babae sa akin. Tinignan ko ang kanyang mukha at nagulat ako ng makita ko si Becca.

"Becca?" Gulat kong tanong rito. Nagulat rin ito ng makita ako. Biglang may lumapit sa kanya na lalaki at inalalayan siya patayo at napagtanto ko na si Ace ito. Pinagtagpo naman talaga.

"Ace? Becca?" Biglang lumapit sa akin si jacob at inalalayan rin ako nito patayo. Nagtaka ito ng makita niya sina Ace at Becca. Biglang nanlamig ang aking katawan at napakapit sa braso ni Jacob dahil sa takot. Nakita kong masama ang tingin ni Ace sa amin.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Where stories live. Discover now