Chapter 2

45.6K 932 49
                                    

JANE'S POV

ANG bilis ng tibok ng puso. Parang hindi ako makahinga. Ano ba ang pakay niya sa akin? Nagparaya na nga ako tapos bumalik siya?

"Tapos na tayo. Ayaw kung makipag-usap sa'yo." Saad ko habang hindi makatingin sa kanya. Bumuntong hininga ito.

"Hindi ikaw ang ipinunta ko dito. Yung anak ko." Parang huminto ang aking mundo ng banggitin niya ang anak ko. Hindi pwede! Hindi ko ibibigay ang anak ko sa kanya.

"Wala tayong anak Ace kaya pwede ba? Umalis ka na!" Sigaw ko dito. Paano niya nalaman na may anak kami? Sinong nagsabi? Sa pagkakaalam ko ay wala akong sinabihang iba matapos akong lumayas.

"You're lying Jane. Alam kung may anak tayo at nandito ako para kunin siya." Malumanay ang pagkakasalita njto habang nakatingin sa akin ng deritso.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo para magpakita sa anak ko! Matapos mo akong lokuhin ang ipinagpalit? May gana ka pa talagang kunin ang anak ko?" Galit kong tanong dito habang nakayukom ang aking mga kamay. "Umalis ka na!" Malakas kung sigaw kaya napataas ang kamay nito.

"Okay, okay. Chill" natatawang sabi nito na parang inaasar ako. "Babalik ako at sa pagbabalik ko,  kukunin ko na ang anak ko and that's final." Sagot nito at sumakay sa kanyang kotse pagkatapos ay umalis na ito.

Napaupo na lang ako at umiyak. Hindi niya pwedeng kunin ang anak ko. Siya na lang ang mayroon sa akin tapos kukunin pa niya? Napakawalang hiya!

Dali-dali akong pumasok sa bahay at nagtungo sa kwarto. Natutulog pa rin ang anak ko. Agad akong pumunta sa kanya at dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay.

"Aalis tayo dito baby. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag ikaw ang nawala sa akin." Mahina kong saad habang umiiyak. Kinuha ko ang bag na nakalagay sa cabinet at dali-daling nag impake. Pagkatapos ay lumabas ako dala-dala ang aking bag at ang anak ko.

"At saan ka pupunta?" Tanong ng aking tiya habang nakakunot ang noo.

"Aalis na po ako." Sagot ko dito.

"Sige, umalis kayo." Iyan lang ang kanyang sinabi at tumalikod. Napayuko na lang ako at lumabas. Kinuha ko ang aking cellphone na nakalagay sa aking bulsa at tinawagan si Jacob, bestfriend ko.

Nag ring ito at maya-maya ay sinagot niya.

"Hello Jane?"

"Jacob. Puntahan mo ako dito." Mangiyak-ngiyak kong pakiusap.

"Nasaan ka?" Tanong nito

"Kay Tiya."

"Sige, maghintay ka lang diyan." Sagot nito at pinatay na ang tawag.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong pera ngayon at hindi naman ako pwedeng manghingi kila Mommy at Daddy dahil galit pa 'iyon sa akin. Si Jacob na lang ang pag-asa ko.

Maya-maya ay may huminto na kotse sa tapat ko at lumabas si Jacob ng may pag-aalala.

"Okay ka lang ba Jane? Napano ka?" Nag-aalalang tanong nito. Hindi ko napigilang umiyak kaya niyakap niya ako.

"Huwag ka ng umiyak. Nandito na ako." Pag-papatahan nito habang niyayakap ako. Pinahiran ko ang aking luha at ngumiti sa kanya.

"Salamat Jacob. Nandiyan ka talaga parati kapag may kailangan ako." Saad ko dito. Tumawa naman ito.

"Syempre, malakas ka kaya sa akin" Hindi ko alam kong nagbibiro ba siya pero tumawa na rin ako.

"Pinalayas ka ba ng Tiya mo?" Tanong nito. "Inaway ka ba niya?"

"Hindi. Wala silang ginawa sa akin. Ako ang gustong lumayas." Sagot ko dito. Tinignan niya ako na parang nagsasabi ba ako ng totoo. Tumango na lang ito at pinasakay niya kami sa kanyang kotse. Pinaandar na niya ito at umalis na kami.

Habang nagmamaneho siya ay nakatingin ako sa anak ko na natutulog pa rin. Kawawa naman ang anak ko.

"Kumain na ba kayo ng baby mo?" Tanong ni Jacob sa akin.

"Hindi pa. Busog pa naman ako." Mahina kong sabi. Biglang umingay ang tiyan ko kaya natawa ito.

"Busog ka pala? Yan ba yung busog?" Natatawang tanong nito na nagpapikon sa akin. Malakas na hinampas ko ang kanyang braso.

"Aray! Nananakit kana ah!" Sigaw nito.

"Shh. Natutulog yung bata." Pagpapatahimik ko sa kanya. Napakamot na lang siya ng kanyang ulo at tumahimik na rin.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko dito.

"Sa puso ko." Kumunot ang aking noo sa kanyang sinagot. "Este sa condo ko. Doon muna kayo magpapalipas ng gabi." Tumango na lang ako. Hanggang sa ipinikit ko ang aking mata habang karga ko ang aking anak.

Sana maging maayos na ang buhay ko.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant