Chapter 10

31.2K 568 8
                                    

JANE'S POV

"HUWAG! Maawa ka. Huwag mong kunin ang anak ko!" Pagpapakiusap ko dito. Tinadyakan na lang ako ng lalaki.

"Manahimik ka! Baka gusto mong gahasain kita." Natatawang saad nito. Napahagulgol na lang ako habang tinignan ang lalaki na bitbit ang anak ko palayo.

"No! Hindi pwede! Ibalik mo ang anak ko!" Malakas kong sigaw at napabangon. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Panaginip lang pala. Masamang panaginip.

Agad kong tinignan ang anak ko na natutulog. Hindi ko talaga hahayaan na mawalay sa akin si baby. Bigla may kumatok ng malakas sa pinto.

"Jane! Open this door! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Jacob sa labas. Napatawa na lang ako ng mahina.

"Tulungan mo ako Jacob please." Kunwaring naiiyak na saad ko habang tumatawa ng palihim.

"Damn this door! Manang! Where is the key?" May narinig akong parang binubuksan. Hanggang sa bumukas ang pinto at agad lumapit sa akin. Nagulat na lang ako ng niyakap niya ako kaagad.

"I'm here. Hush now." Pagpapatahan nito sa akin. Hindi ko na kayang pigilan kaya tumawa na lang ako ng malakas.

Napakunot ang noo nito ng makitang tumatawa ako.

"Ba"t ka tumatawa?" Nagtatakang tanong nito. Tumawa pa rin ako.

"Ang oa mo kasi." Tumatawang sagot ko habang hinahampas ito.

"Ginagago mo ba ako Jane?" Masamang tanong nito sa akin. Napatigil naman ako sa pagtawa. Mukhang galit ito.

"Sorry na. May napaginipan lang kasi ako kaya napasigaw ako kanina." Hindi niya ako pinansin at padabog na lumabas. Nagtaka naman ako sa inasta nito. Siya pa 'yung may galit? Mamaya na lang ako mag sosorry. Ni lock ko muna ang pinto bago ako nagtungo sa cr upang maligo.

Nang matapos na ako ay nagbihis na ako at lumabas. Tinawag ko si Manang Belin para bantayan si baby Adrian.

"Ako na po ang bahala sa anak mo ma'am." Ngiti lang ang iniganti ko dito bago ako lumisan sa kuwarto. Inilibot ko ng tingin ang kanyang condo. Saan ko kaya mahahanap 'iyong mongoloid?

Sinubukan kong hanapin sa kusina pero wala. Wala rin siya sa sala. Saan kaya 'iyon pumunta? Kaya lumabas ako at nakita ko si Jacob na katayo. Mukhang nagpapahangin.

"Uy Jacob." Tawag ko dito. Hindi niya ako pinansin. "Sorry na. Hindi ko naman sinasadya." Hindi pa rin ako nito pinapansin. Napairap na lang ako.

"Bahala ka sa buhay mo." Asar kong sabi nito at pumasok sa loob. Umupo na lang ako sa sofa at binuksan ang tv. Habang nanonood ako ay may tumabi sa akin.

"Ba't tumabi ka?" Malditang tanong ko. Hindi niya ako pinansin.

"Mukhang famous." Pagpaparinig ko ulit. Hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Mongoloid."

"Childish." Ganti rin nito pero hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Mongoloid."

"Childish."

"Mongoloid."

"Childi--"

"Ano ba? Kanina ka pa!" Pikon kong sigaw nito. Pinapainit na naman niya ulo ko.

"Kung makasigaw ka parang hindi ikaw 'yung nanguna."

"Kahit na! Be matured enough." Napatawa ito dahil sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon?

"Ikaw pa talaga nagsabi na 'Be matured unough'? Ikaw nga dapat sinasabihan niyan." Tumawa pa rin ito na ikinainis ko.

Kaya nakatanggap siya sa akin ng kirot at hampas.

"Shit! Aray." Sigaw nito. "Ano ka ba?lalaki o babae? Ang sakit mo kasing humampas!" Dahil sa pang aasar nito ulit ay nakatanggap siya ng dobleng sakit. Tinawanan ko lang ito bago ako tumayo at nagtungo sa kuwarto habang siya ay namimilipit sa sakit.

"Pupuntahan ko muna 'yung anak ko. Magpagaling ka diyan." Pang aasar ko sa kanya at benelatan siya. Masama naman akong tinignan nito.

"Lagot ka sakin Jane!"

"Shh. Natutulog yung bata." Nakangising kong sabi bago pumasok sa kuwarto. Nakita ko si Manang Belin na pinapatulog na ang anak ko.

"Ako na lang po bahala sa kanya Manang. Magpahinga ka na lang muna. Alam kong napagod ka." Ngumiti naman si Manang Belin.

"Hindi nga ako napagod ma'am. Ang cute kasi ni Adrian." Natawa na lang ako.

"Paki tulungan na rin pala si Jacob. Alam kong nasktan 'iyon panigurado." Dagdag ko bago ito umalis. Nagtungo ako sa kama at humiga. Hinawakan ko ang kamay ni baby at hinahalik-halikan ito.

"Ang bango mo talaga baby. Mana ka kay Mommy." At Daddy. 'Iyan sana ang isasabi ko pero huwag na nating gambalain ang hayop.

Alam kong nakadikit niya naman 'iyong ahas kong kapatid. Parehong mga hayop.

Huminga ako ng malalim. Inhale, exhale, inhale, exhale. Kumalma ka Jane. Makakasira 'iyan ng ganda mo. Pagkatapos ng ginawa ko ay dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata hanggang sa lamunin ako ng antok.

-
"Saan mo dadalhin anak ko! Ibalik mo siya!" Umiiyak kong sigaw habang tumatakbo pero hindi gumalaw ang katawan ko. Parang may pumipigil ito.

"Hindi mo makukuha ang anak mo. Dahil akin siya. Akin lang siya." Tumatawang saad ng isang lalaki. Si Ace 'iyon.

"Hayop ka Ace! Ibalik mo ang anak ko!" Sigaw ko nito at susuntukin na sana pero hindi gumagalaw ang katawan ko. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking labi.

"Namimiss mo na ba ang halik ko?" Nang-aasar nitong tanong. Nagulat na lang ako ng inilapit nito ang kanyang labi sa akin.

-
"Huwag!" Nagising na naman ako habang nakahawak sa aking dibdib. Ang lakas ng tibok nito. Panaginip na naman ulit. Hindi na masamang panaginip kundi napakasama.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Where stories live. Discover now