Chapter 29

16.5K 309 10
                                    

Someone

Nakatingin ako ng diretso sa malayo habang tanaw na tanaw ko ang masasayang ngiti nila. Umigting ang panga ko at naiyukom ko ang ang kamay, na para bang gusto kong makasapak.

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon. Nangangati ang aking kamay na hablutin ang baril na nakalagay sa bulsa ko at paputukin sila isa-isa hanggang sa maubos ang bala ko pero pinigilan ko ang aking sarili. Pilit akong kumalma pro naroon pa rin ang galit at hinanakit sa puso ko.

"Magpakasaya muna kayo ngayon. Dahil nalalapit na ang araw ninyo." Gumuhit sa aking labi ang isang ngiti. Ngiting makakahalintulad sa isang kriminal. Hindi naman talaga ako ganito pero dahil sa kanila, ginawa nila akong kriminal. Pinaandar ko pa rin ang kotse ko at pinaharurot iyon. Nadaanan ko pa ang bahay nila.

Nang nasa bahay na ako ay agad kung ibinagsak ang aking sarili sa sofa at nagsalin ng alak sa baso na nakalagay sa lamesa, katabi ng hinihigaan kong sofa. Lumagok ako at ramdam ko ang init ng likido sa aking lalamunan. Nang maubos ko ito aya agad akong umakyat at nagtungo sa pinakadulong kuwarto kung saan espesyal sa akin.

Agad gumuhit ang ngisi sa aking labi matapos kong buksan ang pinto. Walang awa kong tinignan ang isang lalaki na nakaupo sa upuan habang may busal ang bibig nito, sinadya ko iyon para hindi maranig ang nakakarindi nitong sigaw. Napakasakit sa tenga. Nakatali rin ang mga kamay at paa nito, maski ang katawan rin nito para hindi siya makawala.

"Nasiyahan ka ba sa bagong lungga mo?" Nang makalapit ako rito ay hinila ko ang buhok nito para mapatingin ito sa akin. Masama niya akong tinignan habang nagpupumiligas. Mas diniinan ko pa ang pagkakasabunot sa buhok nito para mapadaing ito ng mahina.

"Hmmmp!" Hindi siya makapagsalita kaya malakas kong hinablot pababa ang telang nakatakip sa bibig nito para mapadaing na naman ito ulit. "Hayop ka."

Gusto kong matawa. Ako hayop? Kung hayop ako, demonyo siya!

Humahalakhak ako. "Uulitin ko ang tanong ko. Nasisiyahan ka ba sa bagong lungga mo?" Sarkastikong pag-uulit ko sa tanong ko.

"Mas masasaya ako kung ikaw ang nakaupo rito habang ako na naman ang magpapahirap sa 'yo." Hindi ko gusto ang tabil ng dila nito kaya malakas ko itong sinampal sa likod ng kamay ko.  Nakita ko itong ngumisi.

"Nakita ko pala ang anak mo, mukhang masaya na siya ngayon sa bagong pamilya niya." Biglang nag-iba ang emosyon nito. Mas lalong umigting ang panga niya at mas lalo ring nagdilim ang awra nito.

"Huwag na huwag mong sasaktan ang pamilya ko! Ako ang may kasalanan rito kaya ako lang dapat ang mamatay!"

"Buti alam mo na mamamatay ka na pala. Hindi naman ako gano'n kabait para hindi idamay ang mga anak mo. Gusto ko silang isasahin at pahirapan habang ikaw ay nakaupo riyan at walang magawa kundi ang umiyak at magmakaawa." Humahalakhak ako.

"Pakiusap. Huwag mo silang idamay." Pakikiusap nito. Ngumiwi ako bago tumawa.

"Anong hindi idadamay?! Damay-damay na 'to!" Malakas kong sigaw at sinampal na naman siya ulit. Tumabingi ang ulo nito dahil sa lakas ng pagkakasampal ko. Wala maski isang awa ang kalooban ko ngayon. Gusto ko lang makapaghiganti sa pagkamatay ng isang kapamilya ko na nagbibigay ilaw ng tahanan sa amin. Buhay kung buhay.

"Malulungkot siya kung makikita ka niya na ganito ang ginagawa mo sa iyong sarili." Dahil sa narinig ko ay nanumbalik ang alaala kung saan ko siya huling makita at makasama.

Carrying Mr. CEO's Child✔Место, где живут истории. Откройте их для себя