Chapter 27

17.9K 415 8
                                    

JANE

"WIFE, huwag mo na akong awayin." Pagsusumamo ni Ace. Agad namang namula ang mukha ko dahil tinawag niya akong wife.

"A-anong wife?!" Pinilit kong magalit para hindi niya mahalatang namumula ako.

"I'll marry you soon so h'wag ka ng mabahala." Nakangising tugon nito. Agad akong nabulunan dahil sa narinig ko.

"T-tubig." Agad naman niya akong binigyan ng tubig at agad ko namang ininom iyon. Nandito kasi kami sa dining area, kumakain habang ang anak namin ay nakahiga sa kanyang stroller. Kabibili lang ni Ace kahapon ng stroller dahil naaawa na daw siya sa akin sa pagbubuhat kay baby, halatang pagod at nahihirapan daw ako. Letcheng pagod at nahihirapan 'yan, ang gusto ko lang talaga marinig sa kanya na nag-aalala siya sa akin.

Nag hire na rin ito kahapon ng mga katulog dahil hindi niya daw kami mababantayan dahil may inaasikaso pa ito sa kompanya niya. Hindi na rin ako tumanggi dahil kailangan talagang malinis ang buong bahay niya, mansyon kasi ito kaya mahihirapan akong maglinis kung ako lang mag-isa.

Tumayo na lang ako habang hila-hila ko ang stroller ni baby. Narinig kong tumatawa si baby at parang ginaganahan sa ginawa ko. Mukhang nag-eenjoy ito dahil sa bagong bili ng stroller sa ama niya.

Pumunta kami sa living room dahil gusto ko munang manood ng tv. May tv naman sa kuwarto pero mabobored lang ako 'don kung ako lang mag-isang manonood-- sabihin mo na lang Jane na gusto mong makasama si Ace.

Habang nanonood ako ng tv, naaalala ko pa rin 'yung sinabi ni Ace sa akin. Parang sirang plaka ang utak ko at palagi iyon pumapasok sa isipan ko.

"I want to marry you soon so h'wag kang mabahala."

"I want to marry you soon so h'wag ka g mabahala."

"I want to marry you soon so h'wag kang mabahala."

"Ang lalim yata ng iniisip mo, nandiyan ba ako?"

"AY LETCHENG I WANT TO MARRY YOU SOON YAN!" Napasigaw na lang ako sa gulat ng may nagsalita sa tabi ko. Narinig kong tumawa si Ace kaya masama ko siyang tinignan.

"Ano?! Masaya ka na sa ginawa mo?" Sarkastiko kong tanong. Napanguso naman ako at piningot niya ang ilong ko.

Mas isiniksik pa niya ang kanyang sarili sa tabi ko kaya umusog naman ako. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa wala na akong kawala.

Nagulat na lang ako ng niyakap niya ako habang ang ulo nito ay nakasandal sa balikat ko. Napalunok ako ng paulit-ulit.

"L-lumayo ka nga sa akin Ace!" Mahinang singhal ko rito.

"Don't you like what I am doing right now?" Pang-aasar nitong tanong at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"N-nakakahiya ka Ace! B-baka may makakita pa sa atin!" Hindi ko mapigilan na mautal. Kumakabog at bumibilis ang tibok ko. Hindi ako makapag focus sa panonood ng tv dahil mas nangingibabaw ang nararamdaman ko.

"Are you okay Wife? You're sweating." Hahawakan na sana niya ang noo ko ng tinapik ko ang kamay nito.

"Huwag mo akong mahawak-hawakan Ace Montefalcon! Kundi sisipain ko 'yang birdie mo!" Sigaw ko rito habang dinuduro siya. Tawa lang ang itinugon nito.

Carrying Mr. CEO's Child✔Where stories live. Discover now