Chapter 21

21.3K 400 19
                                    

JANE'S POV

"I'M done." Saad nito ng makalapit sa akin. Napataas naman ang kilay ko 'tsaka nagtungo sa lababo kung tapos na nga ba ito. Gan'un na lang ang aking pagkagulat dahil nahugasan niya lahat-lahat ng plato. Ang dami kaya n'un.

"Totoong nahugasan niya ito?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Humarap naman ako sa kanya at gumuhit sa kanyang labi ang ngisi.

"So we should go now." Tugon nito. Napabuntong hininga na lang ako. Inayos ko muna sa pagkakabuhat si Adrian at pumunta sa kwarto. Hindi ko talaga gustong sumama pero wala na akong magawa. Nang matapos akong magbihis ay sinunod ko si Adrian at 'tsaka kami lumabas.

Nang makababa kami ay nanguna kaming pumunta sa kinaroroonan ng kotse ni Ace at sumunod naman ito.

"Wait a minute." Ani Ace at pumunta sa likod ng kanyang kotse. Binuksan niya ito at may kinuha rito. Nagtaka ako na t-shirt pala ang kinuha nito.

"Anong gagawin mo diyan?" Hindi niya ako pinansin at 'tsaka naghubad sa harapan ko. Napanganga naman ako dahil sa ginawa nito. Gamit ang kanyang pinaghubad na t-shirt ay pinahiran niya ang kanyang leeg patungo sa kanyang tiyan at babalik na naman sa kanyang leeg. Napapakunok na lang ako habang tinitignan ang abs niya.

"Are you looking for my abs?" Doon ako natauhan at nag-iwas ng tingin. Napapikit nalang ako dahil sa katangahan na ginawa ko.

'Peste ka Ace! Peste ka sa buhay ko!"

Batid kong nakangisi ito ngayon na lalong ikinainis ko.

"F-feelengero mo naman!" Singhal ko rito habang hindi makatingin sa kanya. "W-wala ka namang abs!" Dagdag ko.

"Wala pa ah. Gusto mong makita ulit?"

"S-shut up!"

"It's all yours baby."

"You fucking Idiot!" Napamura na lang ako. Tumawa na lang ito at 'tsaka pinagbuksan ng pinto. Padabog naman akong pumasok.

"Watch your word. Baka marinig ni baby." Nang makapasok ito ay 'tsaka ko siya masamang tinignan.

"Eh ano naman kung marinig niya? Mas maganda nga 'yon dahil alam niyang fucking idiot ang kanyang ama!"

"Tch! Watch your word!" Singhal niya. Napairap na lang ako at tumingin sa labas. Hindi ko gustong makita ang mukha niya. Nabubuwisit lang ako.

"Why are you so silent? Nakakapanibago lang." Pagbabasag nito sa katahimikan.

"Paki mo?" Mataray kong tanong. Bumuntong-hininga ito.

"Are you mad?" Tanong nito ulit. Napatawa naman ako.

"Nagtatanong ka pa eh kita mo namang galit ako!"

"Can you please lower your voice! Masakit sa tenga!" Sigaw niya.

"Eh ikaw nga sumisigaw! Pareho lang tayo!"

"You're the one first who shout and we're not the same."

"So kasalanan ko?! Gan'un?!" Inis kong tanong rito. Nakita ko siyang umiling. Nagtaka ako ng huminto kami sa isang park.

"Anong gagawin natin?" Nagtataka kong tanong. Wala akong natanggap na sagot at naunang bumaba at 'tsaka ako pinagbuksan ng pinto. Nang makababa ako ay nagtungo ito sa likod ng kotse at may inilabas na mga pagkain at isang mahabang tela na kasya sa buong pamilya.

Inilapag niya ang mahabang tela sa damo at doon niya inilagay ang mga pagkain na dala niya.

"Ano 'yan?" Turo ko sa mga pagkain.

"Tch. Food."

"I mean bakit nagdala ka pa ng pagkain? At ano pala ginagawa natin dito sa park ng gamitong oras?!" Halos singhalan ko siya. Nahihibang na ba ito?

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon