Chapter 18

24.6K 465 24
                                    

JANE'S POV

KINABUKASAN, nang magising ako ay tulala akong nakatingin sa kisame at hindi makalimutan 'yung mga pangyayari kagabi. Mukha na akong nahihibang ngayon. At ang nakakainis pa ay palagi ko nalang naiisip si Ace at hindi ako makatulod ng maayos.

' 'Yung mga ginagawa niya sa akin kahapon? 'Yung pagtulong niya sa akin? 'Yung pagyakap niya sa aki-- tsk! Erase it in your mind Jane, ginawa lang niya 'yun dahil may sumusunod sa'yo at nadala ka lang ng takot. Hindi siya nag-aalala sa'yo. '

Napabuntong hininga na lang ako 'tsaka tumayo. Matamlay akong pumasok aa banyo at ginawa ang daily routines ko. Nang matapos ako ay nagbihis ako at hinalikan ko si Adrian sa noo nito bago ako lumabas. Nang makita ko si Manang ay sinabihan ko nalang ito na bantayan ang anak ko sa itaas. Nagtataka ako ng hindi ko maramdaman ang presensiya ni Jacob. Hindi nalang ako nagtanong kay Manang dahil alam kung nagbabantay 'yun.

Nagtungo na lang ako sa lamesa na may nakahain na mga pagkain. Kumuha na lang ako ng bread 'tsaka bacon. Nang matapos akong kumain ay nagulat na lang ako ng may biglang kumatok. Naglakad na lang ako papunta sa pinto at pinagbuksan ito. Nanlaki ang aking mata sa aking nakita.

"Anong ginagawa mo dito Ace?" Halos pabulong kong tanong habang nakakunot ang aking noo. Ngumisi lang ito at napatingin naman ako sa bitbit nitong paperbag.

"I want to visit my son." Umagang-umaga ay nag eenglish ito. Anak ko lang talaga ang binisita niya.

Hindi ako makapagsalita. "Hey." Tawag pansin nito ulit sa akin at natauhan naman ako.

"Ano 'yun?" Sinikap kong hindi mautal.

"I said, gusto kong makasama ang anak ko kahit ngayong araw lang." Tugon nito na ikinainis ko.

"No!" Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang aking kamay. Agad na bumilis ang tibok ng puso at parang mawawalan ako ng hangin.

'Shit! This feeling again!'

Agad kong hinila ang aking kamay na ikinagulat nito. Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay dahil sa ginawa nito.

"May karapatan akong makasama ang aking anak." Mariin nitong saad. Hindi ko gusto ang pakiramdam ko ngayon. Naghahalo ang aking emosyon habang tinitignan siya sa mata. "I want to spent time with my child." Dagdag nito.

"Sasama ako." Magsasalita ito ng pigilan ko siya. "Wala ng pero-pero." Saad ko at tumalikod sa kanya. Nang makalayo-layo ako ay napahawak na lang ako sa aking dibdib.

Hindi rin ako makapagtanggi dahil may karapatan naman talaga siya kay Adrian dahil anak niya ito. Namalayan ko na lang na nadito na pala ako ngayon sa kuwarto habang tinitignan si Manang na pinapatawa si Adrian.

"Ah Manang." Tawag ko rito at napatingin naman ito sa akin.

"Ano 'yun hija?" Nakangiting tanong ni Manang .

"May pupuntahan kasi kami ni Adrian." Nahihiya kong sabi rito.

"Saan naman kayo pupunta?"

"Diyan lang. Uuwi lang rin kami kaagad."

"O siya, mag-iingat kayo." Tumayo si Manang sa pagkakaupo sa kama at nginitian pa ako bago umalis. Agad akong naglakad papalapit kay Adrian at kinuha ito. Ngumiti naman ito sa akin habang hinawakan ang aking mukha na para bang kilala na ako nito bilang isang Mommy niya .

Labag sa aking loob na ipakita ang anak ko kay Ace pero nandito na siya at wala akong magagawa. Nagbihis na lang ako ng dress at binihisan ko na rin si Adrian. Lumabas kami at bumaba.

"Manang. Babalik lang kami kaagad." Pagpapaalam ko kay Manang. Nginitian niya kami at kumaway. Humarap ako at nakita ko si Ace na nakatayo sa labas habang ang tingin nito ay nasa aking anak. Makikita ko sa kanyang mukha ang pananabik.

Lumakad ako palabas. Lalapit na sana ito sa anak ko pero iniwas ko ito at naunang nagtungo sa kotse niya. Napapahiyang sumunod ito sa akin at pinagbuksan kami ng pinto. Nagtaka ito ng hindi ako pumasok.

"Bakit mo ba ginagawa ito Ace?" Malamig kong tanong. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa amin. Gusto kong sumigaw, umiyak, magalit pero pinigilan ko na lang ang aking sarili.

"What?" Naguguluhang tanong nito. Napasapo na lang ako sa aking noo at nginisihan siya.

"Di'ba wala kang paki sa anak ko? Kailan ka pa naglakas ng loob na humarap sa amin?!" Sigaw kong tanong rito. "Sana sumama ka nalang sa kapatid ko, total pareho naman kayong gago." Dagdag ko at masama itong tinignan.

"I'm sorry." Paumanhin nito at ramdam ko na sincere ito sa sinasabi niya pero hindi parin nawawala ang galit ko.

"Sorry na lang? Ang dali-dali mong magsabi ng sorry. Kung kailan ay nasaktan ako ay ngayon ka pa magsosorry Ace?! Tangina!" Mura ko. Hindi naman ito nagsalita. Padabog akong pumasok sa kotse.

"Ano? Tutunganga ka lang diyan?!" Sarkastikong tanong ko rito. Natauhan naman ito at dali-daling pumasok.

"I'm so sorry Jane. Sana mapatawa--" I cut him off.

"Mag drive ka na. Nauubusan tayo ng oras kakasorry mo." Napapahiya itong umiwas ng tingin sa akin at pinaandar ang kotse nito. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam ko, galit pa rin ako nito at habang makikita ko ang mukha niya, maaalala ko ang kababoyan na ginawa nila ng kapatid ko. Tumingin na lang ako sa daan habang nagigilid ang aking luha. Patago ko itong pinahiran 'tska bumuntong hininga.

Tumigil naman ang kotse at nakahinto kami sa parking lot ng mall. Agad itong bumaba at pinagbuksan kami ng pinto. Bumaba naman ako at naunang naglakad.

"Wait!" Sigaw nito ng makalayo-layo ako. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman kong humabol ito.

Nauna akong pumasok sa mall habang siya ay nakasunod. Inis ko itong tinignan.

"Oh? Di'ba gusto mong makasama ang anak mo? Saan na tayo pupunta?" Bagot na tanong ko rito. Hindi ito nagsalita.

"O siya, aalis na lang kami." Tatalikod na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat na lang ako sa ginawa nito.

"Ayieeh! Ang sweet nila." Saad ng babae na malapit sa amin habang may mga kasama siyang kaibigan.

"Oo nga! Mukhang anak nila 'yung bitbit ng babae."

"Malamang anak talaga nila 'yan! Masyado kang boba friend." Napatawa ako sa huling nagsakita na babae. Tinignan ko ulit si Ace.

"Pwede bang bitawan mo na ang pagkakahawak sa kamay ko?" Naiinis kong tanong rito. Agad naman niya itong binitawan.

"I'm sorry." Paumanhin na naman nito ulit. Napairap na lang ako sa kakaulit nitong pagsosorry sa akin. "Doon muna tayo sa restaurant bago tayo pumunta sa arcade." Wala akong magawa kundi ang tumango na lang. Nauna itong maglakad habang ako ay nakasunod sa kanya. Tinignan ko si Adrian ngayon na nakangiti kay Ace habang tumataas ang mga kamay nito na para bang gustong magpabuhat kay Ace.

This is the worst day of my life. Promise.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Where stories live. Discover now