Chapter 25

19.7K 361 23
                                    

JANE'S POV

HINDI pa rin maproseso sa utak ko 'yung paglapat ng labi ni Ace sa akin. Parang kiniliti ang tiyan ko sa ginawa nito. Naghahalo ang emosyon ko ngayon.

'Anong nangyari sa 'yo Jane?'

Parang kinapos ako sa paghinga habang inaalala iyon. Pagkatapos niya akong halikan ay agad akong lumabas ng hindi siya tinitignan. Alam kong namumula ang mukha ko ngayon.

"Jane." Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses nito. Parang ang sarap nitong pakinggan kapag tinatawag niya ako sa mismong pangalan ko-- Letche! Umayos ka!

"A-ano 'yun?" Tanong ko rito at pilit siyang tinitignan. Tumindig ang balahibo ko ng lumapit ito sa akin.

"I want to court you. Can I?" Nanginginig ang kamay ko ngayon.

'Ano bang sinasabi mo diyan?'

Gusto kong itanong ko iyon sa kanya pero nangibabaw ang kaba ko. Halos hindi rin ako makapagsalita.

"Huh?" Lutang kong tanong. Nakita kong kumunot ang noo nito.

"Should I repeat my question?" Nakanganga ako ngayon.

'Shit Jane! Anong sasabihin mo?'

"A-ahmm.." Inilibot ko ang tingin sa buong paligid para maghanap ng sagot sa tanong nito.

"Nasaan ba ang anak natin?" Halos magsalubong ang kikay nito dahil sa tanong ko.

"Tch. Nasa itaas, natutulog." Napatango-tango naman ako. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin.

"Gusto mo bang halikan kita ngayo--"

"Oo." Wala sa sariling sabi ko. Nakita ko naman itong ngumisi.

"Sige ba." Dahan-dahan itong lumapit pero pinigilan ko siya kahit nanghihina ang buo kong katawan.

"I-i mean.. Oo, pwede mo akong ligawan." Yumuko ako para hindi niya makita ang mukha ko ngayon. Tumayo ako at agad tumalikod rito. Lumakad ako palabas at narinig kong sinusundan niya ako kaya agad akong huminto at humarap dito.

"H-huwag mo muna akong susundan." Saad ko rito at patakbong lumabas sa bahay. Doon ko inilabas ang kilig na nararamdaman ko. Mahina akong tumili habang hawak-hawak ang labi ko.

'Jusko! Totoo na ba ito?'

Nag promise ako nung una na hindi ko na babalikan si Ace pero nawala na lang 'yun dahil sa halik nito. Ganito ba talaga kalakas si Ace sa puso ko? Kahit pilit kong kalimutan siya ay hindi pa rin siya mawala-wala sa isip ko.

Sinampal ko ang pisngi ko kung nananaginip ba ako pero ramdam ko ang hapdi sa pisngi ko. Hindi talaga ako nananaginip. Nang matapos kong malabas ang kaninang tinatagong nararamdaman ko ay pinilit kong maging seryoso ang mukha ko at parang walang nangyaring kababalaghan kanina-- Kababalaghan na ba ang tawag sa paghalik?

Pumasok na ulit ako at hinahanap ko na kaagad ang presensiya nito. Wala akong makita kaya umakyat na lang ako at dumiretso sa kinanalagyan ni Adrian 'yun. Parang pakiramdam ko ay nandoon si Ace ngayon sa kuwarto niya. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay lumunok muna ako ng paulit-ulit bago buksan ang pinto.

Nakita ko si Ace na nakaupo sa kama habang hinihimas ang pisnge ng anak ko. Kahit nakatalikod ito ay alam kong masaya ito dahil nakasama na niya ulit ang anak niya-- anak namin.

"Ahm." Pagbabasag ko sa katahimikan. Dahan-dahan itong lumingon sa akin.

"What?" Tanong nito.

"Gusto kong makita si baby." Sinikap kong huwag mautal.

"Nandito ka lang ba para makita si baby? O para makita talaga ako?" Nakangising tanong nito.

"A-ang kapal ng mukha mo! Si baby ang ipinunta ko!" Singhal ko rito habang kagat-kagat ang labi ko. Umiling na lang ito bago ibinalik ang tingin ni baby.

Kahit nahihiya ako ngayon ay umupo na lang ako sa tabi nito at pinilit na tumingin sa anak ko pero sadyang mapaglaro talaga ang mata ko. Namalayan ko na lang na nakatingin na pala ako kay Ace. Tinignan ko ang kabuhuan ng mukha nito, pababa sa leeg nito hanggang sa umabot sa tiyan nito at 'tsaka sa pagitan ng hita nito.

Namula naman ako ng makita niya akong nakatingin sa pagitan ng hita nito.

"Do you want to see it?" He smirked. Agad akong lumunok.

"A-anong do you want to see it?" Pinilit kong maging mataray. Pakshit ka Jane! Ba't mo ba kasi tinitignan ang bird niya!

"Okay lang naman sa akin." Hinampas ko naman ang balikat dito dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Halos hindi ako makatingin rito.

Narinig ko siyang tumawa kaya ibinalik ko ang tingin sa anak ko.

"Alam mo ba ang pakiramdam na mag-alaga ng anak na walang ama?" Tanong ko rito habang ang tingin ko ay nasa anak ko.

"Jane.."

"Hindi ko alam kung paano ko ibubuhay ang anak ko. Naghalo ang takot ko n'un. Sasabihin ko na sana sa 'yo na may nabuo na bata sa sinapupunan ko pero hindi ko na lang sinabi. Alam mo ba kung bakit?" Tumingin ako rito at nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.

"Bakit?"

"Dahil ipinangako ko sa sarili ko na kaya kong buhayin ang anak ko kahit walang ama ito. Napasakit lang kasing isipin na kung gaano ko isinakripisyo ang sarili ko para sa anak ko habang ang ama nito ay nagpapakasarap." Tumawa ako ng pagak.

"Jane.."

"Araw-araw akong umiiyak dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong panahong iyon. Tinakwil ako ng pamilya ko ng malaman nila na buntis ako at ang mas masakit pa ay kahit kapamilya mo pa ito, wala silang binigay na suporta sa anak ko at sa akin dahil isa lang daw akong malaking kahihiyan sa angkan nila. Letcheng angkan 'iyan!" Umiiyak na ako ngayon habang inaalala 'yung masakit na pinagdaanan ko.

"Anak nila pero tinakwil nila?! Kaya napagdesisyonan ko na pumunta na lang ako kay Tiya na kapatid ng Daddy ko. Masaya na ako dahil tinanggap nila ako pero may kapalit pala 'iyon. Nang makapanganak ako, ginawa nila akong yaya sa bahay nila at tinatratong parang baboy. Wala naman akong magagawa dahil pinapakain naman ako nila at sinusuportahan ang anak ko."

"Jane. Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito?"

"Dahil gusto kong malaman mo na kung gaano kahirap ang magbuhay ng anak na walang ama." Pinilit kong huwag umiyak pero traydor ang luha ko.

"Jane.. I'm so sorry."

"Pinapatawad na kita. Kalimutan na lang natin iyon. Nangyari na eh, wala na tayong magagawa." Nagulat na lang ako ng niyakap niya ako.

"Pasensiya na dahil napakagago ko. Pinagembistigahan kita at doon ko nalaman na may anak pala tayo. Naghalo ang saya at lungkot ko ng araw na 'yun. Wala akong magawa kundi tignan na lang kayo sa malayo." Umiyak ako sa balikat nito.

"Hush now.. Ipapangako ko na hindi na kita sasaktan."

"Huwag kang mangako Ace. Gawin mo."

"Oo. At araw-araw kong gagawin at ipaparamdam iyon sa 'yo." Napangiti na lang ako sa narinig ko at niyakap rin siya ng mahigpit.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora