Chapter 4

39.2K 816 10
                                    

JANE'S POV

NAGISING na lang ako ng may pumukaw sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa aking paningin si Jacob na nakangiti.

"Napasarap tulog mo?" Tanong nito habang hindi pa rin nawawala ang kanyang pagkakangiti. Bumangon na lang ako at tinignan ang anak ko, tulog pa ito.

"Syempre. Ang lambot kaya ng kama mo." Sagot ko na lang. Tumango na lang ito na sumasang-ayon.

"Bababa mo na ako. Ihahanda ko muna 'iyong makakain natin." Saad nito at hinawakan ang aking ulo habang hinimas-himas ito. Pagkatapos ay lumabas na ito kaya naligo na ako.

Tinignan ko ang aking mukha sa salamin at wala pa rin itong ipinagbago. Mahina pa rin ito na palaging inaapi at hindi alam paano lumaban. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko habang inaalala yung mga nakaraan na palagi akong inaapi. Pinahiran ko na lang ito at ipinagpatuloy ang aking pagliligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako.

Biglang umiyak ang aking anak. Mukhang nagugutom na ito. Lumabas kami ng kuwarto habang karga ko si baby habang pinapatahan. Gutom na talaga siya.

Lumapit ako kay Jacob na ngayon ay naghahanda na ng makakain namin sa lamesa. Mukhang kakatapos lang itong magluto. Tumingin ito sa aking direksyon at lumapit sa amin.

"Mukhang nagugutom na si baby. Ako na lang muna ang magbubuhat sa kanya." Tumango na lang ako at ibinigay sa kanya ang anak ko. Nagtimpla muna ako ng gatas pagkatapos ay pinainom ko na ito kay baby hanggang sa tumahan na ito sa pag-iiyak.

"Kumain ka muna Jane. Ako na muna mag-aalaga kay baby. Mukhang pumayat ka." Napansin niya pala ito? Pumayat ba talaga ako? Tinignan ko naman ang aking sarili. Pumayat nga talaga ako.

"Paano ka? Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ko nito. Umiling ito.

"Kakatapos ko lang kasing kumain." Umupo na lang ako at tinignan ang kanyang mga niluluto. May bacon, egg, ham, at sandwich. Nagsimula na akong kumain. Maya-maya ay tinignan ko ulit si Jacob na ngayon ay masayang naglalaro sa anak ko.

"Parang anak na niya ito." Nasabi ko na lang sa aking sarili habang natatawa. Mukha yatang napansin niya na tinignan ko ito kaya napatingin rin ito sa akin habang nagtataka.

"May dumi ba ako sa mukha ko? Panget ba ako? O hindi kaya pinag-nanasaa--" Hindi niya naituloy ang kanyang pagkakasabi ng ipinakita ko sa kanya ang aking kamay.

"Gusto mo hampasin kita?" Pananakot kong tanong nito. Agad itong umiling na parang natatakot. Pagkatapos kong kumain ay inilagay ko ito sa lababo at huhugasan na sana ng magsalita si jacob.

"Huwag na. Ako na lang ang maghuhugas. Nakakahiya naman." Saad nito habang napakamot sa kanyang ulo.

"No. I can handle it."

"Sige kung mapilit ka." Natawa na lang ako at hinugasan ang aking pinagkainan. Pagkatapos ay pinunasan ko muna ang aking kamay bago ako pumunta kila baby.

"Mahal mo na yata ang anak ko." Napatingin naman ito sa akin at ngumiti.

"Selos ka naman?" Natatawang tanong nito na nagpakunot sa aking mukha. "Huwag ka ng magselos. Mas mahal kita kesa sa anak mo." Napailing na lang ako. Lumalabas na naman 'yung pagka mongoloid niya.

"Mahal mo mukha mo!" Sigaw ko. Tumawa na lang ito at ibinalik ang paglalaro sa anak ko.

"Kamusta na pala si Becca? Okay na ba kayo?" Biglang nag-init ang dugo ko ng marinig ang pangalan ng malanding hayop na kapatid ko.

"Hindi ko gustong marinig ang pangalan nila."

"Bakit? Sila pa rin ba ni Ace? Ba't hindi mo siya pinaglaba--"

"Pwede ba Jacob! Huwag kang tanong ng tanong. Ayaw kong marinig 'yung mga pangalan nila." Galit kong sabi at padabog na umalis sa sala. Pumunta ako sa cr at nilock ito.

Naiyukom ko ang aking kamay habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. Naalala ko na naman 'yung kababoyan na ginawa nila Becca at Ace. Napaluhod na lang ako at napahagulgol ng iyak.

Bigla may kumatok sa pinto at hindi ako nag-abalang tignan ito. Gusto ko na yatang mawala sa mundo.

"Jane, sorry na please. Hindi ko na uulitin." Pakiusap ni Jacob habang kumakatok pa rin. Biglang nanghina ang katawan ko at parang hihimatayin ako. Huli kong nakita ay bumukas ang pinto at bumungad si Jacob na nag-aalala hanggang sa nawalan ako ng malay.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Where stories live. Discover now