Chapter 19

22.9K 429 25
                                    

JANE'S POV

MARAMING beses na kinunan ko sila ni Ace at ang anak ko na maglaro sa arcade. Makikita ko sa mukha ni Ace ang saya habang naglalaro sila ng anak ko. Hindi naman ako makapagtanggi na hindi sila kunan dahil ito ang iniutos ni Ace para 'daw' may memories siya sa 'anak' ko.

Nang matapos silang maglaro ay masaya siyang pumunta sa akin at pabalang ko lang itong tinignan.

"Oh ano? Masaya ka na?" May bahid na sarkastikong tanong ko.

"Hmm." Tumatango-tangong sabi nito. Inirapan ko na lang ito 'tsak tinignan ang anak ko.

"Akin na ang anak ko." Saad ko rito. Wala akong natanggap na sagot.

"Sabi ko, akin na ang anak ko." Pag-uulit ko pero wala na naman akong matanggap na sagot. Matalim ko itong tinignan habang siya ay nakangisi.

"Di'ba anak ko rin ito?" Sarkastikong tanong niya habang nakatingin kay Adrian. Tumaas naman ang kilay ko.

"Eh ano naman?"

"May karapatan ako." Seryosong dagdag niya na ikinalaki ng mata ko.

"May karapatan? Tss." Natawa nalang ako.

'Ngayon pa siya may karapatan? Bullshit! Kung kailan ako ang nagpalaki at nag-aruga sa anak ko, ngayon pa siya may karapatan?.'

"Edi buhatin mo ang 'anak' mo." Diniinan ko ang pagkakasabi ko at seryoso siyang tinignan. "At kung umiyak siya.." Turo ko kay Adrian at ibinalik ang tingin kay Ace. "Huwag mo akong tatawagin para humingi ng tulong." Dagdag ko at 'tsaka ngumisi.

"But.." May sasabihin na sana ito pero itinikom nalang niya ang bibig niya.

"Saan na naman tayo pupunta Ace?" Inis kong tanong.

"Sa restaurant sana ulit. I'm hungry." At hinawakan ang tiyan nito. Hindi na rin ako pumalag dahil gutom na rin ako kakatayo habang tinitignan silang maglaro.

Hindi na lang ako nagsalita at sumunod sa kanya. Bitbit pa rin nito si Adrian. Pumasok kami sa Restaurant at pinagsilbihan kami ng waiter. Umupo kami at nag-order na si Ace.

"What do you want?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

"Anong what do you want?" Nagtatakang tanong ko rito. Napa poker face na lang ito.

"Tss. I mean what do you want to order." 'Tsaka itinuro ang menu na hawak-hawak nito. Napahiya naman ako.

"I-ikaw ang bahala." Nauutal kong tugon at alam kung nakangisi ito ngayon. Peste! Napahiya ako 'don ah!

Mga ilang minuto ang nakalipas ay may nagsidatingan na ang mga pagkain na inorder namin at nagsimula na kaming kumain. Natawa ako dahil nahihirapan itong kumain dahil nakaupo ang anak ko sa lap niya. Hindi siya makakain ng maayos dahil 'don.

"Tss. Akin na nga ang anak ko." Saad ko rito. Umangat naman ang tingin nito.

"Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Naiinis kong tanong rito. Iba kasi ang pagkakatingin nito.

Umiling ito at nakita ko siyang tumawa na ikinagalit ko. Pinagtatawan ba niya ang mukha ko?

Ibinigay na lang niya si Adrian sa akin kaya kinuha ko ito. Mukhang hindi niya alam kung paano mag-alaga.

'Malamang, kabastusan lang naman ang alam nito'

Pasiring ko siyang tinignan habang ito ay abala sa pagkain. Kumain na lang ako habang si Adrian ay nilalaro ang buhok ko. Nang matapos akong kumain ay uminom ako ng tubig at inayos ang pagkakaupo ng anak ko. Malapit na kasi itong mahulog dahil sa kakulitan nito.

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon