Chapter 20

24.3K 450 17
                                    

JANE'S POV

KINABUKASAN ay masama ang pakiramdam ko. Parang lalagnatin ako. Ang sakit ng buo kong katawan kapag tumatayo ako. Hindi ko tuloy alam kung bakit nagkakaganito ako. Sa pagkakaalam ko ay wala akong ginawa kahapon na ikakalagnat ng sarili ko.

Inihilot ko na lang ang ulo at tumayo. Nag streching muna ako para mawala-wala na rin ang pananakit ng katawan ko. Dumapo ang tingin ko kay Adrian. Nakamulat na ang mata nito at mukhang nasisiyahan maglaro sa nakasabit na laruan sa crib nito.

Kinarga ko si Adrin at lumabas. Agad na hinanap ang mata ko si Jacob. Nanlumo ako ng hindi ko siya makita. Pagkababa namin ay nagulat na lang ako sa aking nakita. Nandito si Ace ngayon, prenteng nakupo sa couch. Nainis tuloy ako sa presensiya nito. Paano ito nakapasok?

"Anong ginagawa mo dito?" Naiinis kong tanong rito. Tinignan niya lang ako at gumuhit sa kanyang labi ang nakakalokong ngiti na nagpataas ng balahibo ko.

"I'm just visiting my son..." 'tsaka tinignan ang anak ko at bumaling ang tingin sa akin. "And you." Dagdag nio na ikinabog ng puso ko. Umiwas nalang ako ng tingin at hinanap si Manang.

"Manang!" Tawag ko kay Manang. Nakita ko itong lumabas sa kusina at agad pumunta sa akin.

"Ano iyon hija?"

"Ba't po nakapasok 'tong lalaking ito?" Nagtatakang tanong ko habang masamang tinignan si Ace.

"Ah! Ang sabi niya kasi ay bisita siya at kilala ka naman niya kaya pinapasok ko siya." Tugon nito. "May problema ba hija?"

"Ah, wala po Manang." Ngumiti ako rito para hindi siya mag-alala. Tinapik niya lang ang balikat ko 'tsaka umalis.

"Flowers for you." Hindi ko alam na nakalapit na pala ito sa akin habang ibinibigay ang bulaklak sa akin na hawak-hawak nito. Napakunot ang noo ko.

"Ano 'to?! Suhol?!" Singhal ko rito.

"Tss. Suhol na ba ang tawag rito? Hindi ba pwedeng binigay ko ito sa 'yo dahil friends tayo?" Napataas ang kilay ko dahil sa narinig ko. Friends? Mukha niya.

"At kailan pa tayo naging friends?" Sarkasrikong tanong ko habang matalim siyang tinignan. Nandoon naman ang kanyang pamatay na ngiti.

"Simula nung mag bonding tayo." Hindi ko alam kung ba't naiinis ako sa sagot rito. Hindi talaga ako makakapagsalita kapag bobo ang kausap ko.

"Kailan ba tayo nag bonding?"

"Tsk. Kahapon." Inis nitong saad na ikinatango-tango ko.

"Bonding pala tawag 'don?" Tukoy ko kahapon. "Akala ko suhol na naman 'yon sa pag-iwan sa akin." 'Tsaka ako ngumisi rito. Gumuhit sa kanyang mukha ang pagkakahiya dahil sa sinabi ko.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko rito. Gusto na naman niyang makasama ang anak ko? Hindi na pwede 'yun!

"Nakalimutan mo na ba ang pinag-usapan natin kahapon?" Napakunot ang noo ko. May pinag-usapan ba kami? Sa pagkakaala-- tss, pumayag pala ako na bisitahin ang anak nito.

"Eh ano naman ngayon kung may pinag-usapan tayo? Pwede namang tumanggi ako ngayon."

"What?!" Singhal nito na ikinagulat ko.

"Anong what?! Bigwasan kita diyan eh."

"But you promised me last night!" Inis nitong sambit at masama akong tinignan. Naglabanan kami ng tingin.

"Promises are meant to be broken." Sinabi ko iyon sa kanya habang tinitignan siya.

"Hep! Hep!" Inawat kami ni Manang. "Ano bang pinag-aawayan niyo?" Nalilitong tanong nito habang tinitignan kami.

Carrying Mr. CEO's Child✔Where stories live. Discover now