Chapter 1

16.5K 205 12
                                    

December 31, 2019 11:59 pm

"Happy New Year!" malakas na sigaw naming lahat. Another year! Thank you, Lord!

Pagkatapos namin salubungin ang bagong taon. Nagsimula nang kumain ang lahat. Lahat masaya. Lahat nagkakatuwaan sa kwento ng bawat isa.

Masaya ako ngayon dahil lahat ng nangyari sa 2019 ko ay iniwan ko na para makapagsimula ng bago ngayong 2020.

I am Coleen Enriquez. 18 years old. Grade 12 student ako sa BES. 

"Mommy, akyat lang po ako sa kwarto ko." paalam ko at tumango naman siya.

Tinawagan ko si Amber, ang best friend ko para batiin. Kanina pa pala siya tumatawag pero hindi ko kasi hawak ang phone ko kaya hindi ko nasagot.

"Happy new year and happy birthday, Coleen!" sigaw niya. Nilayo ko naman yung phone ko sa tainga ko bago pa ako mabingi. God! Mabibingi talaga ako dito sa babaeng 'to, e.

"Happy new year din, Amber! Thank you! I miss you! Kailan ka uwi?" I asked.

Her family chose to celebrate new year at Japan. Tapos kami dito lang din sa Pilipinas pero nandito kami ngayon sa Batangas. Sa rest house namin. Binili 'to nila Daddy dahil sa dagat. Haha. 

Actually, kahit malayo yung Bulacan sa Batangas, nagpupunta pa rin ako dito minsan kapag sobrang stressed ko na. Kapag nagkasabay-sabay yung problema. Sobrang nakakakalma kasi yung alon ng dagat, idagdag pa ang malakas na hangin at ang magandang buwan.

"Hmm, I think Saturday nandiyan na kami." sagot niya, tumango-tango naman ako.

"Okay. Basta don't forget my pasalubong, ha? Haha." sabi ko at sinundan ng tawa.

"Hmp! Oo na. Diyan ako sleep pagka-uwi namin. Okay? I have to go na. May pupuntahan pa kami, e. Bye! I love you!" she said then ended the call.

Pagkatapos namin mag-usap wala na naman akong magawa. Well, wala namang bago.

Naglaro na lang ako ng billiards. Ganito naman ako palagi kapag bored, e. What's new.

While playing, may lumalabas kung sino yung mga naka online na friends ko sa facebook at nakita kong online si Raizen. Siya yung inadd ko last year kasi ang gwapo niya. Haha. Ma-challenge nga. 

My eyes widened when he accepted my challenge. Oh my!

Dahil nga friends kami sa facebook, pwede kaming mag-usap dito habang naglalaro, nag-usap lang kami ng tungkol sa kung ano ano.. and there, it all started with a game.

Nagkausap kami ng matino na akala mong magkakilala na talaga kami kahit hindi naman talaga. Ang dami namin napag-usapan hanggang sa sinabi niya na bakit ngayon lang daw niya nakilala kung kailan may girlfriend na siya. 

I laughed. I answered him na i-break niya. Siyempre, nagbibiro lang ako diyan and alam ko naman na hindi niya seseryosohin 'yon.

Halos ilang oras din kaming magkausap nun. Actually, hindi na nga yata kami naglalaro, nag-uusap na lang. Tapos tinanong niya ako kung gusto ko daw ba na magkita kami. I admit, I wanted to see him since last year pa lang kasi crush ko na siya. But I do respect her girl. Kahit saan mo tingnan, kahit baligtarin mo man ang mundo, mali kung magkikita kami. So, kahit gustong-gusto ko siya makita, I declined.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon