Chapter 15

7.4K 126 12
                                    

Nagising ako dahil sa maingay na tunog ng phone ko. Argh! Inaantok pa ako, e! Paano ba naman kasi anong oras na ako nakarating dito sa Batangas. Tapos pagkarating ko dito pag-iyak naman ang inatupag ko. Ngayong araw ay pipilitin kong maging maayos ako dahil new year na at ayon nga, birthday ko na.

Sinagot ko ang tawag, nakapikit pa rin.

"Hello?" bungad ko.

Nagbuntong-hininga ang nasa kabilang linya, ["Umuwi ka na."]

My eyes widened when I heard his voice but I automatically ended the call. Ayaw ko pa siyang makausap.

Matutulog na sana ulit ako nang magring na naman ang phone ko. Kainis!

"Ano ba?! I told you I don't wanna go home!" sigaw ko sa kaniya. Ang kulit, ah!

["Wait, Coleen. Anong you don't wanna go home? Where are you ba?"] boses ni Amber.

Gulat kong tiningnan ang phone ko at si Amber pala ang tumatawag.

"Wala 'yon. Bakit ka tumawag?"

["Duh? Nakauwi na kami. Saan tayo magcelebrate? Sa bahay niyo ba?"]

"Nah. Dito sa Batangas."

["Okay? Sige. Punta na kami diyan mamaya. Bye! Love you!"] she said and ended the call.

Tinext ko naman sila Mommy na dito sila magpunta sa Batangas dahil dito ko gustong mag-celebrate ng birthday ko.

---

"Okay na ba lahat, baby?" tanong ni Mommy sakin. Tumango ako.

Dumating sila dito mga alas tres na ng hapon, magkakasama na sila nila Amber non. Sunod na dumating ay sila Mark kasama siyempre si Ken. Hindi siya pinapansin ni Amber at ganon din naman si Ken. Sa madaling salita, hindi sila nagpapansinan. Pero napapansin ko ang madalas na pagtingin ni Ken kay Amber.

Around 9:45 in the evening natapos na kami sa pag-aayos at pagluluto. Dahil wala pa namang 12:00 ay nagkwentuhan muna kami sa living area. Sila Mommy nagpunta muna sa kwarto nila para matulog saglit.

"Four years ago, hindi ka nagcelebrate ng birthday mo. Why?" Liam asked.

"Siyempre wala kasi sila Amber non, e. Pare-parehas silang nasa ibang bansa."

"Eh, bakit nandito ka?" nakangising tanong niya ulit.

"Oo nga, Coleen. Bakit ka nandito? Saka bakit hindi mo kasama si Raizen? May problema ba kayo? Magka-away ba kayo?" tanong naman ni Athena.

Malaki ang problema.

"Basta!" sabi ko na lang saka lumingon kay Amber. "Kailan ka balik Korea?" tanong ko at pasimpleng tumingin kay Ken na nakatingin kay Amber.

Noong araw na nagpunta siya sakin na umiiyak tapos hinatid siya ni Ken sa bahay niya. Tinawagan niya ako non at tinanong kung paano siya nakauwi, si Raizen ang nagpalusot. Sinabi niyang hinatid niya kasi aalis kami.

Kinabukasan naman non ay nagpaalam siya samin na pupunta siyang Korea, doon muna daw siya titira kasama ang mga pinsan niya na doon nag-aaral.

Noong nasa airport kami para ihatid siya ay nakita ko si Ken hindi kalayuan sa pwesto namin. Nalulungkot ako para sa kanila. Bakit nga kasi ang sungit ng mundo, e.

"Next week lang balik na ako dun." she answered.

"Next week agad? Bilis naman!" reklamo ni Arra.

Natawa si Amber, "Alam niyo namang may iniwan ako don, diba?"

Si Drake. Mayroon na siyang boyfriend sa Korea. Friend ng cousin niya na ipinakilala sa kaniya pagkarating niya don.

"Dito rin, Amber!" sabi ni Ryan.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon