Chapter 22

8.7K 141 22
                                    

Nang makarating kami sa El Nido Palawan ay tuwang tuwa sila. Una nilang ginawa ay magkuhanan ng mga litraro.

"Hindi ka sasama sa kanila?" tanong ni Raizen na tumabi sakin habang pinapanood sila.

Hindi ako nagsalita at umiling lang bilang sagot. Matunog siyang nagbuntong-hininga.

Ayaw ko na ganito kaming dalawa. Pero wala naman akong magagawa, e. Mahal ko siya pero parang gusto ko na lang maghiwalay kami kaysa ganitong nagkakasakitan kaming dalawa. Wala namang patutunguhan 'to. Ramdam ko rin na hindi kami magtatagal talaga. Hindi 'to matatapos kung walang susuko. Kailangan mayroong isa samin ang magparaya at mukhang ako 'yon.

Tumayo ako at walang sabi-sabing iniwan siya don saka ako lumapit kila Amber kahit puro sila magjo-jowa. Si Nathalie at Mark na bago lang. Naging sila last month. Tapos sila Athena, Liam, Ryan and Arra. Isama pa 'tong si Drake at Amber na ang sweet tingnan.

Wala sa sarili akong tumingin kay Ken na nakatingin sa dalawa. Napangiti ako ng mapait nang makita kung paano niya tingnan si Amber na masaya na sa iba.

Hindi ko naman siya masisisi dahil iniwasan niya lang naman na masaktan si Amber. 'Yun nga lang, nakahanap ng iba si Amber dahil sa pag-iwas niya.

"Sungit ng mundo.." biglang sabi niya na ikinalingon ko sa kaniya.

"Sobra.." sabi ko at malungkot na ngumiti sa kaniya.

Ngumiti siya sakin ng tipid bago guluhin ang buhok ko. Sinimangutan ko naman siya.

Sabay kaming naglakad papunta sa hotel na tutuluyan namin.

Tumabi naman sakin si Nath.

"Bakit hindi mo sabayan asawa mo?" tanong niya.

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Nakalimutan ko si Raizen!

Tumingin ako sa likod at nakita ko siyang nakatingin sakin. Kagat labi akong huminto sa paglalakad para hintayin siya. Nang tuluyang makalapit sakin ay rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Bigla akong nakonsensiya. Nawala kasi sa loob kong nandito nga din pala siya.

"May balak ka pa palang hintayin ako, 'no?" sarkastikong sabi niya.

"Sorry. Nakasanayan ko na rin kasi na hindi ka kasama kaya nawala sa loob kong nandito ka rin pala." sagot ko at naunang maglakad.

Nang makapasok kami sa hotel ay dalawang kwarto lang ang kinuha namin. Isa para sa aming mga babae at isa para sa mga lalaki. Malaki naman kasi ang mga kwarto kaya pwede na sa aming lahat.

Ako ang naunang pumasok sa kwarto at nag-ayos ng gamit. Matapos non ay natulog ako saglit. Ginising lang ako ni Amber dahil kakain na daw ng tanghalian. Humingi naman ako ng paumanhin dahil hindi ako nakatulong sa pag-aayos nila ng pagkain.

Pagkarating namin sa cottage ay naabutan ko silang nag-iihaw ng mga ulam namin. Ang mga babae ang nag-aayos ng mga gamit kasama si Drake habang sila Raizen naman ay nag-iihaw. Napangiti na lang ako nang makitang nagtatawanan sila. Sana hindi na sila mag away-away pa.

Lumapit ako kay Drake, "Bakit ayaw mo sumama sa kanila?" tanong ko.

Ngumiti siya sakin at bahagyang umiling.

"Hindi kasi ako komportable pa. Lalo na kay Ken."

"Mabait naman sila, sana magkasundo sundo kayo.." sabi ko at tinapik ang balikat niya saka lumapit sa mga babae.

"Oh, haba tulog, ah.."

"Puyat ka, sis?"

Inirapan ko sila dahil sa pagiging sarkastiko.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon