Chapter 17

7.2K 110 4
                                    

Nagising ako kinabukasan na wala nang Raizen sa tabi ko pero may sticky note na nakadikit sa phone ko.

You're breakfast is ready. Good morning.

Napangiti ako.

Kung wala lang siyang girlfriend at kung hindi lang siya madalas magalit at palagi lang sweet, sa tingin ko ang saya lang naming dalawa.

Magkasama kaming natulog kagabi and that was also our first time. Mula nga kasi ng ikasal kami ay palagi naman kaming natutulog sa magka-ibang kwarto.

Bumangon na ako at naligo saka nag-ayos bago bumaba para kumain ng agahan na niluto ng asawa ko..

Sunflower Café.

I was about to go inside my office when my phone rang. It's my husband.

"What?" tanong ko agad.

["Ate wants to see you."]

Kumunot ang noo ko. Ate?

"Ate?"

["Yes, my sister."]

What? May ate pa siya? Akala ko sila lang ni Kuya Paolo ang magkapatid dahil 'yon lang din naman ang alam ko.

"Okay?"

Bakit naman kaya ako gustong makita ng Ate niya? Ah, kabit nga pala ako ni Raizen - I mean, asawa pala.

Around 11 AM dumating sila at sobrang natulala ako sa ganda ng Ate niya. Napaka ganda talaga! Pagkapasok nga nila ng cafe ay agad nilang naagaw ang atensyon ng mga customer. Pati mga waiter ay natigilan sa pagdala ng orders para lang tingnan ang Ate niya.

"Oh my, Ma'am. Bagong chix ba 'yan ni Sir Raizen?" tanong ni Amy, tulala pa rin sa ate ni Raizen.

"Sister." maikling sagot ko.

"Goddess..." bulong ni Ailee na nakatayo sa tabi ko.

Natawa ako sa reaksyon nilang dalawa ni Amy. Ang ganda nga kasi ng kapatid ni Raizen kaya naiintindihan ko kung bakit natulala sila dahil ganiyan din ako kanina pagkapasok nila. Mukha nga lang mataray ang ate niya.

"Good day, Ma'am.." bati ko pagkalapit nila sa counter.

Kumunot ang noo ni Raizen na nginitian ko lang.

"Ahm, Ate, she's Coleen, my wife.." pakilala ni Raizen sakin sa ate niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ng Ate niya pagkatapos ay tumingin sakin bago ngumiti.

"Oh my gosh! You're so pretty!" malapad ang ngiti na sabi niya. Namula ang pisngi ko.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Welcome to the family, Coleen!"

Ngumiti ako sakaniya, "Thank you po." sabi ko. "Coleen Enriquez," pakilala ko sa sarili ko.

"Evangelista." dugtong niya na ikinangiti ko, "Margaux Evangelista.." pakilala niya rin.

Tumikhim si Raizen kaya't naagaw non ang atensyon namin ni Ate Margaux.

"Why, lil bro?"

"Alis na 'ko."

Kumunot ang noo ni Ate Margaux, hindi naman ako kumibo. Hindi ko alam kung saan ang punta niya, kung sa company ba o kay Michelle.

"What? Where are you going? Your wife is here, lil bro.."

Bago pa makasagot si Raizen ay inunahan ko na siya, "Sa company lang punta niya, Ate." sabi ko at ngumiti sa kaniya.

Raizen let out a deep sigh, "Yes, sa company." Sana nga sa company ka talaga pupunta.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon