Chapter 4

5.9K 116 15
                                    

"Don't lose yourself in the process of loving someone so much."

--

"Wow, ang ganda!" bungad ni Amber nang makababa kaming lahat ng sasakyan. Halos magkakasunod lang kaming dumating dito.

"Let's go! Ligo na tayo? Waa! I'm so excited!" natutuwang aya ni Michelle.

Napairap na lang ako. Kakadating lang maliligo agad?

"Hindi pa nga natin nalalagay yung gamit natin, e. Ligo agad?" hindi ako sigurado kung nagtunog sarkastiko ba nung sinabi ko 'yon. Tss.

She looked at me-nah, they all looked at me. "Galit ka?" she asked.

I smiled a little, "Nah. Just tired."

Mark sighed, "She's right. Magpahinga muna tayo saglit."

May apat na kwarto para saming lahat.

Ang makakasama ko sa kwarto ay si Amber at Nathalie. Sa katabi naman namin ay si Arra, Athena at Michelle. Magkasama naman si Mark at Raizen sa isa, tapos sila Liam, Ken at Ryan naman sa isa pa.

"Ah, damn! Nakakapagod!" sabi ni Nath at nahiga sa isang kama, dalawa kasi ang nandito.

Naupo naman ako at pumikit.

"Nga pala, pinsan. May galit ka ba kay Michelle?" Nathalie asked.

Dumilat ako at deretsong tumingin sakaniya, "Why did you ask?"

Umiling naman siya.

"I don't hate her but I don't like her either.." I shrugged.

"Pero nagseselos ka, right?" Amber asked.

"Yes, I am." mabilis na sagot ko. Bakit ko pa itatanggi diba?

Nag-aya na sila lumabas pagkatapos nilang mag-ayos ng gamit nila pero sinabi kong dito muna ako dahil pagod ako.

Kahit anong pilit kong matulog ay hindi ako makatulog kaya napagdesisyunan ko na rin na lumabas na.

Napadaan ako sa kwarto nila Raizen at nakita kong medyo nakabukas ito. Lumapit ako at hindi ko inaasahan ang makikita ko. They are kissing while Michelle was sitting on his lap.

Nangingilid ang luha ko pero hindi ko maialis sa kanila ang paningin ko.

Hindi na ako nabigla nang may magtakip ng mata ko. Naamoy ko ang pamilyar niyang amoy. Mark.

"Why do you keep hurting yourself?" he whispered. He hugged me tight.

Hindi ako sumagot at patuloy lang na umiyak. Ang sakit! Ang tanga tanga ko talaga.

"Mark? Coleen?" rinig kong boses ni Michelle 'yon.

Tumalikod ako at pinunasan ang luha ko. Fudge! I don't want him to see me like this!

"Is she crying?" he asked.

"Ahm, yeah." Mark answered. Napatingin ako sa kaniya. "Dysmenorrhea.." he said again.

Dysmenorrhea! Dysmenorrhea, Mark? We're on a beach!

"Oh, so you can't swim, Coleen?" ani Michelle.

I sighed, "I.. I guess so?"

"Hm, sige. Baba na kami. Sunod na lang kayo."

Hindi ko inalis sa kanila ang paningin ko hanggang sa mawala na sila nang tuluyan.

Hinarap ko agad si Mark at hinampas sa braso niya.

He laughed, "What?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Dysmenorrhea, Mark? Really?" inis na sabi ko.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon