Chapter 31

9.3K 142 14
                                    

"Mommy, where's daddy na? Tito Ken is already here na for her proposal kay Tita Amber.." tanong ni Cole matapos akong kalabitin.

I shrugged, "Restroom lang, baby.."

Like what my baby said, magpo-propose nga si Ken kay Amber ngayon and we are here sa rest house namin sa Batangas.

Three years ago, nagkaayos silang dalawa dahil na rin sa matinding effort talaga ni Ken para makuha ulit si Amber kay Drake at nagulat kaming lahat dahil nagpapanggap lang pala sila at may girlfriend si Drake ngayon.

Akala ko talaga totoong sila dahil makikita mo talaga sa mga kilos nila na parang sila na dahil ang sweet nila. Tapos malalaman namin na nagpapanggap lang pala sila. Nakakainis 'yon, ah. Kahit sakin na best friend niya hindi man lang niya sinabi. Plus, magkakasama kami sa Korea! Argh!

Nagtagal lang talaga si Amber sa Korea dahil nagkaroon siya ng trabaho don habang si Ken ay busy rin sa kompanya nila dito sa Pilipinas.

"Hi, baby.."

Humalik sa noo ko si Raizen saka naupo sa tabi ko. Tumayo naman si Cole at naupo sa lap ng daddy niya na ikinatawa namin parehas. Clingy na naman kasi ang big baby boy ko..

"Do you love my Mommy?"

Napangiti ako sa tinanong ni Cole kay Raizen.

Almost four weeks ago pagkauwi namin ni Raizen galing Korea ay palagi na siyang tinatanong ni Cole kung mahal niya ba ako. Siguro napapansin niya na madalas kaming mag-away ni Raizen that time kaya palagi na siyang naninigurado.

He stared at my eyes and smiled sweetly, "Yes, baby. I love her so much." he answered.

I smiled and kissed his lips, "I love you more.."

"Oh, huwag mang-agaw ng eksena. Hindi niyo 'to araw. Para 'to kila Amber at Ken." sabi ni Liam.

"Gago." sagot ni Raizen saka natawa.

Cole immediately looked at him at nasapo ko agad ang noo ko. For sure, magtatanong 'ya—

"Daddy, what is gago?" There.

Raizen bit his lower lip saka alanganing ngumiti sakin and mouthed 'sorry'.

"Bad word 'yon. Don't say that again, okay?"

"The first time we met at the restaurant, Mommy was thinking about something daw po and I asked her if ikaw po ba ang iniisip niya and then she said yes and gago daw po ikaw." tuloy-tuloy na sabi ni Cole.

"Boom! Laglag!" sigaw ni Ryan saka malakas na tumawa.

"Bad naman pala ni Mommy Coleen." nang-aasar na sabi ni Athena.

"So," Raizen, "I'm gago.." tumatango-tangong sabi niya saka nangalumbaba.

"Aww.. Nagtampo naman si Daddy Raizen.." sabi naman ni Mark. Sinamaan ko silang lahat ng tingin. Mga demonyo! Nanggatong pa!

Lumingon ako kay Raizen at pinanlakihan siya ng mata.

"Because you're gago naman talaga!" sabi ko na malakas nilang ikinatawa.

Masamang tingin ang binigay sakin ni Cole.

"My daddy is not gago, Mommy!" nakasimangot na sabi niya.

I smiled sweetly at him, "He is, baby. Remember, you saw him with a girl sa restaurant, diba? Kasama pa siya ni daddy mo sa house, diba? See? He's gago."

"Ayon naman pala. Babaero naman pala ang Daddy Raizen."

Hinampas ko si Liam. Talagang inabot ko siya kahit dalawang tao ang nasa pagitan naming dalawa.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon