Chapter 27

11.1K 158 10
                                    

"Mommy! I missed you, Mommy!" salubong sakin ng anak ko pagkalabas ko ng airport. Nandito na ulit ako sa Korea.

Nakiusap daw kasi si Cole kay Amber at Drake na sunduin ako at bago pa daw toyoin ang anak ko, pumayag na sila.

"Mommy missed you too, my baby boy.." sagot ko at hinalikan siya sa right cheek.

"Did you see my daddy, Mommy? Is he excited to meet me like how excited I am?" ngiting-ngiti na tanong niya.

Napatingin ako kila Amber na nakatingin lang din samin ni Cole.

Nagbuntong-hininga ako at naupo para magkapantay kami.

"Baby, he is also excited to see you but daddy's still busy. But like mommy said, you'll meet him at the right time, okay?" sabi ko.

Bakas ang lungkot sa mukha niya pero ngumiti pa rin. "Cole loves daddy. He loves me too, right?" tanong niya. Bago pa tumulo ang luha niya ay mabilis ko na 'yong napahiran.

"Mahal na mahal, baby.." sagot ko at niyakap siya.

Rinig ko ang impit na hikbi niya at dahil don ay parang gusto kong magkita na sila pero hindi pa pwede. Konting panahon na lang anak..

Kaya ganito si Cole sa daddy niya ay dahil never kong siniraan si Raizen sa kaniya. Palagi kong sinasabi sa kaniya na mahal siya ng daddy niya, na gusto na rin siyang makita ng daddy niya. Paulit-ulit kong sinasabi 'yon sa kaniya dahil ayaw kong magtanim siya ng sama ng loob sa daddy niya.

Bandang hapon kami nakauwi sa bahay. Kaming dalawa na lang ni Cole, dahil sila Amber ay may pupuntahan din.

Kinuha ko ang phone ko nang marinig kong tumunog. Nahigit ko ang hininga ko nang makitang si Raizen 'yon. Nagmessage siya sakin sa messenger.

Raizen Evangelista: Coleen.

Nagbuntong-hininga muna ako saka tumingin kay Cole na nakahiga sa lap ko at natutulog bago sumagot sa chat ni Raizen.

Coleen Enriquez - Evangelista: What?

Raizen Evangelista: Let me see our son, please?

Raizen Evangelista: I wanna see him. Please, Coleen.

Huminga ako ng malalim bago nakipag-video call sa kaniya para makita niya si Cole. Ayaw kong ipagdamot sila sa isa't isa kaya hahayaan ko silang mag-usap ngayon. Hahayaan kong maramdaman ni Cole yung saya na dapat ay matagal na niyang nararamdaman kung hindi lang kami nagkaroon ng problema ng daddy niya.

He answered my call and my eyes widened when I saw him. Wala siyang suot na shirt. Jusko!

"M-Magdamit ka kaya? Pwede ba?" masungit na tanong ko.

Nagbaba siya ng tingin sa katawan niya saka natawa na ikinairap ko.

"He's sleeping.." sabi ko saka iniharap sa natutulog na si Cole ang camera.

Nakita ko kung paano lumambot ang mukha ni Raizen sa nakita niya.

"My baby.. My first baby.." he whispered.

His first baby. Sinabi sakin ni Mark na hindi si Raizen ang tatay ng anak ni Michelle at alam ko na rin ngayon na alam na ni Raizen na wala akong kasalanan kung bakit nakunan si Michelle.

Ngumiti ako at sinubukang gisingin si Cole.

"Baby.. baby, daddy's here. Diba gusto mo siya makita? Wake up na, big boy." bulong ko sa may tenga niya. Nakatingin lang samin si Raizen.

I kissed Cole's cheek ng paulit-ulit para magising siya. Ganoon kasi ang ginagawa ko sa kaniya kapag gigisingin ko siya.

"Mommy, I'm sleepy. Don't kiss me.." reklamo niya. Rinig kong natawa si Raizen.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon