Chapter 6

5.8K 115 10
                                    

February 14, 2020

Lumipas ang mga araw, hanggang sa naging buwan. Wala kaming ibang inatupag kundi ang mag-aral nang mag-aral.

"Saan ka pupunta mamaya?" tanong sakin ni Amber.

Nandito kami ngayon sa canteen. Kaming lima lang. Hindi ko alam kung nasaan yung boys.

"Sa bahay. Saan pa ba?"

Sa nakalipas na isang buwan ay palaging deretso bahay ang ginagawa ko. Sumasama naman ako sa gala nila pero bilang lang sa mga daliri ko kung ilang beses ako sumama sa kanila.

Naiilang kasi ako kapag naaalala ko yung nangyari samin ni Raizen sa Bataan. Nahihiya ako kasi may girlfriend yung tao pero hinayaan kong mangyari ang bagay na 'yon. Oo nga at halik lang naman 'yon pero kahit na, may girlfriend pa rin siya, diba? Ugh.

"Kayo ba? Saan ba kayo pupunta?" tanong ko sa kanila.

"Ryan and I will go to their house. He will introduce me to his family na." Arra said while smiling.

I'm happy for her. Ilang beses na rin kasi 'yan nasaktan at niloko. Sana sa pagkakataon na 'to, hindi na.

"Hindi kaya ako yayayain ni Ken?" nakangusong tanong ni Amber.

"Asa ka pa don. Kanina nga nakita ko 'yon may kasamang babae, e." sabi ni Nath.

Nanlaki ang mga mata ni Amber, "Are you sure?"

"Yep." Athena said, "Kaya pa-kalmahin mo 'yang puso mo because we don't want you to get hurt, okay?"

Napailing na lang ako.

Kahit anong pagpapakalma mo sa puso mo, kung talagang mahal mo yung tao, wala ka nang magagawa pa don. Hindi mo na mapipigilan pa 'yon. Tsk.

Nang mag-uwian na ay dumeretso agad ako sa bahay. Wala sila Mommy dito, malamang ay umalis sila ni Daddy.

Natapos ang araw na 'to na wala akong ginawa kundi mahiga at kumain. Kinabukasan ay maaga akong pumasok at nagpunta muna sa locker para kuhanin ang ibang gamit ko doon na kailangan ko ngayon.

May nakita akong maliit na nakatuping papel na nilusot lang sa butas ng locker ko. Tiningnan ko 'yon.

I like you.

My forehead creased. Sino naman kaya ang maglalagay nito sa locker ko? Tumingin ako sa paligid at nagkibit-balikat.

Inipit ko sa notebook na hawak ko ang papel bago isinarado ang locker ko at umalis para magpunta na sa room.

Instead na ma-curious ay hindi ko na lang 'yon pinansin dahil baka may nanti-trip lang naman sakin.

Pagkapasok ko ng room ay kakaunti pa lang ang nandoon. Pero nandito na sina Mark, Ken, Raizen at Amber. Naupo ako sa tabi ni Amber na nagsusulat.

Tumingin siya sa notebook na inilagay ko sa desk ko.

"Sakto. Kulang ako ng lecture diyan sa subject na 'yan." sabi niya at kinuha ang notebook ko at binuksan. Hinayaan ko lang naman siya at nangalumbaba.

"What's this? I like you?" rinig kong sabi niya. Nilingon ko siya at nakita kong hawak niya yung papel na nakita ko sa locker ko, "Sino nagbigay?"

I shrugged, "I have no idea. Nakita ko lang sa locker ko."

Narinig ko ang matunog na pag-ngisi ni Ken, "Parang kilala ko 'yan, ah.."

I turned my head to look at him only to find out that Raizen is looking at me. Dineretso ko na lang ang tingin kay Ken.

"Who?"

Nagtaas-baba ang kilay ni Ken saka tumingin-tingin sa nakatahimik lang na si Mark.

"Si Mark?" Amber asked.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon