EPILOGUE

9.2K 137 37
                                    

"BWISIT KA RAIZEN! ANG SAKIT SAKIT! HINDI NA AKO MAGPAPABUNTIS SAYO!"

Napapikit ako ng mariin dahil sa sigaw na 'yon ng asawa ko.

We are here inside the delivery room for our baby girl. 

"Konti nalang, Misis! Iri pa!"

Mahigpit na humawak sa kamay ko si Coleen at buong pwersang umiri. Kasunod non ay nakarinig na ako ng iyak ng baby. Baby ko.

Nakatulala at namamangha akong nakatingin sa anak ko.

Pinuno ng malakas niyang pag-iyak ang buong kwarto.

Naiiyak akong lumingon sa asawa ko na ngayon ay namumungay ang mga mata dahil sa pagod.

I kissed her forehead, "Thank you. Thank you, baby.." masayang bulong ko sakaniya.

Ngumiti lang siya at pumikit.

Nilinis nila ang baby ko pati na rin ang asawa ko bago siya inilipat ng kwarto.

Ilang oras pa bago dinala ng nurse ang anak namin.

Nakangiti ko 'yong kinuha sa nurse.

"My Brianna Zeneen, our baby girl.."

Napakaganda niya. Kamukhang-kamukha niya ang Mommy niya. Ang ganda ng labi at ang tangos ng ilong. I can't wait to see your eyes, baby..

"I wanna see her.."

Nilingon ko si Coleen nang marinig kong magsalita siya.

"Mommy's awake baby.."

Marahan ko siyang hiniga sa tabi ni Coleen. Matamis na ngiti ang pinakawalan niya habang pinagmamasdan si Zeneen.

"You're so beautiful." mahinang sabi niya. "Hawak mo na ang aking puso.." dagdag niya saka pinadaanan ng daliri ang ilong ng anak namin.

Nakangiti akong lumingon sa may gawi ng pinto dahil bumukas 'yon at pumasok sila Cole, kasama sila Mommy pati ang mga kaibigan namin.

"Wow! Congratulations, Zeneen!! What a beautiful girl!" sabi agad ni Amber habang pinagki-kiskis ang mga palad niya.

"What is her name, Zeneen?" tanong ni Arra.

"Yep." sagot ko.

"Yep ang pangalan niya? Ang pangit!Mas maganda kung Zeneen eh." pag-uulit niya at tumingala pa na kunwari nag-iisip.

Gusto ko siyang batukan bigla. Yep.

"Zeneen." sabi ni Coleen.

"I mean, Coleen plus Raizen is Zeneen. Mas maganda kung Zeneen ang ipangalan niyo sakaniya para after ng names niyo." nakangiting sabi niya.

Nasapo ko ang noo ko dahil sa kabagalan niya.

Malakas siyang binatukan ni Athena na agad namang ginantihan ni Ryan ng pabiro.

"Ang slow slow kasi! Her name is Zeneen! Zeneen na nga ang pangalan niya! Kaya huwag mo na i-suggest, pwede?!"

Mukha namang natauhan na si Arra at natakpan ang bibig niya.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon