Chapter 2

10K 140 7
                                    

Nandito ako ngayon sa room namin, dito ako dumeretso pagkatapos kong mapikon sa attitude ni Raizen.

"Are you okay?" Mark asked. Yes, classmate namin sila. Sa dulo kami naka-upo. Sa kanan ko si Amber at sa kaliwa ko naman si Mark. Sila Raizen naman na sa likod lang din namin.

I sighed, "Yes.." sagot ko at umiwas ng tingin.

"How's your day?" tanong niya saka pinatong ang braso niya sa arm rest ko kaya magkalapit na mukha namin.

"Disaster.." sagot ko at umirap.

He laughed, "Bakit naman?"

Bago pa ako makasagot ay nagsalita na si Liam sa likod namin, "Baka magkapalit na kayo ng mukha niyan, ah." he said.

Sumabat naman si Ken, "Baka kamo maghalikan na 'yan."

Nilingon ko siya, "What?" mataray na tanong ko sa kaniya.

"Hey.. 'wag niyo na nga asarin, pwede ba?" masungit na sabi ni Amber at tiningnan ng masama si Ken.

"Chill. Huwag ka na magselos." Ken.

"Selos mo 'yang mukha mo!" sabi ni Amber sabay irap kay Ken.

Hindi naman na ako kumibo pa at hinayaan silang magbangayan kahit nakakarindi na. Si Raizen naman tahimik lang din sa pwesto niya. Ayos yan, ayoko rin marinig ang boses niya.

Ilang minuto lang dumating na rin ang teacher namin at nagsimula na ang klase. May activity pa nga. Mukha ba akong nakinig?

Sinabi niya na kung sino yung magkaka-partner.

"Liam Estrella and Ryan Acosta."

"Shit." mahinang mura ni Liam na ikinatawa ni Ryan.

"Tutulungan naman kita, gago." bulong ni Ryan. Inirapan lang siya ni Liam.

"Amber Caparas and Ken Bartolome."

"What?!" reklamo agad ni Amber.

"May problema ba, Miss Caparas?" taas-kilay na tanong ni Ma'am.

Umiling lang si Amber. Kaloka talaga 'to.

"Selena Salamat and Mark Fajardo."

Nakasimangot akong lumingon sa kaniya. Iba na nga ka-partner ni Amber, iba pa rin ka-partner ni Mark. Ano ba 'yan! 

"And lastly, Coleen Jessica Enriquez and Raizen Evangelista."

Lalo akong napasimangot. What the fudge! Bakit siya pa kasi!

Wait, did Ma'am Santos say my full name?! Oh, great! But wait, ano naman ngayon kung sinabi niya? Who cares naman diba?

"Go with your partner and start doing the activity."

Mark smiled at me, "Okay lang 'yan. Masipag 'yan."

Nakasimangot akong lumingon kay Raizen na nakatingin sakin.

"Ako pa ba ang lilipat ng upuan?" I asked.

Huminga lang siya ng malalim at tumabi sakin. Kahit gaano ka pa ka-bango, pikon pa rin ako sayo!

"Ano bang gaga—"

"So, Jessica.." he said.

Hindi ko pinansin, "Ano na nga gagawin?"

Hindi naman kasi ako nakinig, e.

"Why didn't you tell me?" tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

"Does it matter?"

"Yes, it is!"

Sarkastiko akong natawa, "Seriously? I tried telling you, twice. Twice, Raizen. Nakinig ka ba? Hindi naman, diba? Bakit parang kasalanan ko pa?" sagot ko. Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sakin, "And, does it really matter? Ano naman kung hindi mo malaman yung totoong pangalan ko? Don't make it a big deal." sabi ko saka ako tumayo.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon