Chapter 5

6.5K 116 19
                                    

"Coleen, bumaba ka na ha. Kakain na tayo." sabi ni Athena.

Ngayon ang pangalawang araw namin dito resort.

"Okay." sagot ko, nakatalikod sa kaniya. Ayoko kasing makita niya na namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi.

Nang marinig kong nagbukas-sara ang pinto ay saka ako bumangon at pumasok ng banyo para mag-ayos ng sarili. Halata nga ang pamamaga ng mga mata ko.

Lumabas ako ng banyo at kinuha ang concealer ko sa bag saka bahagyang naglagay sa ilalim ng mga mata ko para mabawasan ang pagkahalata ng pamamaga.

Lumingon ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok.

"Coleen, are you awake?" boses ni Mark.

Mabilis kong tinapos ang pag-aayos sa sarili at lumapit sa may pinto at binuksan 'yon.

"Let's go?" I asked.

He sighed, "Are you okay?"

I smiled, "Yes. Tara baba na tayo. Nagugutom na 'ko."

Sinara ko ang pinto ng kwarto namin at umalis na kami.

"Paanong hindi ka magugutom, e hindi ka naman kumain kagabi bago ka matulog." reklamo niya.

I chuckled, "Sorry naman. Eto na nga po oh, kakain na diba?"

Umirap lang siya. Itong lalaki na 'to, napapadalas na ang pag-irap. Kung hindi lang siya gwapo, iisipin ko nang may pagka-bakla 'to.

Nakita ko silang lahat na nakaupo na at handa nang kumain. Kami na lang talaga ni Mark ang hinihintay.

"Tagal niyo naman! Naghalikan pa ba kayo?" tanong ni Ryan.

Sinimangutan lang namin siya ni Mark.

Inalalayan niya akong maupo sa tabi ni Amber saka siya naupo sa tabi ko.

Ayan na naman siya, lagay na naman siya nang lagay sa pinggan ko.

"Aww, sana all sweet! Wala bang maglalagay ng foods sa plate ko?" naka-pout na tanong ni Amber. Nah, pagpaparinig pala.

Nilagyan ko siya ng pagkain sa pinggan niya at nagtawanan sila.

"Magpakabusog ka. Kailangan mo 'yan." sabi ko at matamis siyang nginitian.

Sumimangot naman si Amber sakin. Si Ken naman walang reaksyon.

Alam kong nagpaparinig 'to kay Ken na nasa harapan niya pero walang epekto. Hindi naman kasi siya gusto ni Ken. Balita ko kay Mark medyo may pagkababaero pa nga yata 'yan, e.

Matapos namin kumain ay nagpunta kami sa tabing-dagat. As usual, maliligo ulit kami maya maya. Siyempre, ano pa nga bang gagawin dito.

"Coleen, ang aga mo naman umalis kagabi? Hindi ka na naman sumali sa inuman namin." sabi ni Athena.

"Masama nga pakiramdam ko kaya hindi ako makakainom. Saka ikaw ah, inom ka nang inom. Sumbong na talaga kita kay Tito!"

Bawal kasi siyang uminom. Kaya patago lang ang pag-inom niya. Kaya nga dati e pag mag-iinuman sila nila Amber palagi niyang tinatapat na sa amin matutulog o kila Arra para hindi malaman nila Tito. Paniguradong grounded 'yan pag nalaman ng parents niya.

"Sige, para grounded ako ng isang buwan. Alam mo namang ayaw ni Dad na umiinom ako, diba? Lagot ako don."

See? Grounded ang katapat.

Natawa sila Liam sa sinabi ni Athena.

"Tanda tanda mo na pinaghihigpitan ka pa?" sabi niya.

"Duh? 17 pa lang ako. Makatanda ka diyan! Ikaw nga mukha ka nang tatay, e!" naasar na sagot ni Athena.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon