Chapter 3 👑

68 4 1
                                    

[ Iyah's POV]

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa mga sinabi ko. Walang tumugma kasi sa mga dinescribe ko sa kaniya eh. In fact, napakakinis nga ng balat at mahihiya ang balat ko na tumabi sa kaniya. Tapos mukhang laman siya linggo-linggo ng gym dahil wala man lang kataba-taba sa kaniya except yung eyebags. Char!!!

Ang angas din ng dating niya na mas nagpasuplado sa kaniya.




" Done checking me out? Napatunayan mo ba na walang katotohanan sa pinagsasabi mo tungkol sakin?"

Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko dahil sa hiya.


" Ahmm... Donghyun? Pasensya ka na sa kaibigan namin ah? Hindi niya alam ang mga pinagsasabi niya dahil medyo stress pa siya sa isang subject niya." - 🍄

" So you're Maria Begino?"

" Paano mo nalaman ang pangalan ko?"


" Maria Begino. Major in Photography. Received an F in Ms. Paquibot's subject."

Parang nanliit naman ako sa sinabi niya. Buti na lang mahina ang boses niya at hindi naman yata narinig ng mga estudyante.

Mabilis na hinawakan ko siya sa braso at hinila paupo.

" Stalker ka ba? Paano mo nalaman ang tungkol sakin?"

" I'm not a stalker. Alam ko lang kong sinong nangangailangan ng tulong ko."

" Sabi na sayo kumars eh! Siya lang ang makakatulong sayo." - 🍀

" Paano mo nalaman na kailangan ko ng tulong mo?"

" Pinatawag ako ni Ms. Paquibot at hiningi niya ang tulong ko to help you para mas mapadali ang project mo."

" Mabait din naman pala si Ms. Paquibot eh. Pero totoo bang taga Boipurendeu Village ka?"

" Yes"

" Bakit wala man lang kaming narinig tungkol sa village niyo?"

" Kasi nasa malayong part na siya ng Pilipinas at isang maliit na isla lang ito. Hindi ito sakop ng gobyerno kaya may sarili ring gobyerno ang village namin."

Namangha naman kaming tatlo.

" Ibig sabihin may President din kayo?"- 🍀

" No. Ang tawag sa namamahala samin ay Hari at Reyna."

" Bakit nandito ka?"

" Medyo magulo kasi ngayon don dahil they're busy finding the Prince."

" Tumakas ang prinsipe? Bakit naman? Diba dapat maging masaya siya dahil buhay royalty siya? Sinasamba siya at sinusunod ang utos niya."

" Being a prince in our village is the most hardest responsibility you'll ever hold. Oo, may hari at reyna but they're only there to represent our village. Ang prinsipe ang siyang namumuno at namamalakad sa lahat. No wonder the Prince ran away dahil siguro gusto niya lang naman ng freedom. Di niya naman ginusto ang ipinanganak na prinsipe."

" Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakikita?"

Umiling lang siya.

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon