Chapter 8 👑

44 2 1
                                    

[ Iyah's POV]

" Anong mangyayari kapag nalaman nilang tumakas ang prinsipe?"

Nandito kami ngayon sa isang kubo kung saan nakatira si Dodong. Nasa loob na ang mga gamit namin at hinihintay na lang naming magsimula ang Lucky Day.

" Boboto ang mga tao ng gusto nilang maging prinsipe at ang dating hari at reyna ay papalitan ng mga magulang ng bagong prinsipe."

" Napakabilis naman. Mahirap ba talagang maging isang prinsipe ng village niyo?"

" Oo. Responsibilidad mo lahat eh."

" Nasaan na kaya ang prinsipe ngayon no? Nahanap na kaya siya ng mga kasama mo na pinadala din sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas?"

" Wala pa namang balita galing sa kanila."

Maya-maya ay nakarinig kami ng tunog ng tambol.

" Labas na tayo. Magsisimula na ang seremonya."

Excited na lumabas ako ng kubo at namangha ako dahil sa dami ng kababaihan na mostly ay mga bata.

" Give me your camera. I'll take a photo of you. Just enjoy."

Inabot ko sa kaniya ang camera ko at nakisali ako sa mga babaeng nagkukumpulan at namimitas ng bulaklak.

Pumitas ako ng sari-saring bulaklak kaya nakabuo ako ng bouquet. Lumingon ako kay Dodong at ngumiti. Busy siya sa pagkuha ng mga pictures.

Nilagay namin ang napitas naming bulaklak sa gitna.

" Ate hawakan mo po ang kamay ko."

Napangiti ako sa batang nasa tabi ko. Magkahawak sila ng kamay kaya nakigaya ako.

Maya-maya ay lumikha ng nakaka- indak na tunog ang mga matatandang lalaki gamit ang iba't-ibang instrument at nagsimula din kaming umikot at sumayaw.

Napuno ng masayang tawanan ang paligid habang patuloy kami sa pagsayaw.

Nakita ko ding nakangiting pinagmamasdan ako ni Dodong.

Habang enjoy na enjoy ako sa pagsayaw nagulat ako ng may naglagay ng kung ano sa ulo ko kaya napatigil ako sa pagsayaw ay napatingin kay Dodong na siyang naglagay ng flower crown sa ulo ko.

Napalingon ako sa iba at nilalagyan din sila ng bulaklak.

" Can you give me your hand?"

Walang salita na inabot ko sa kaniya ang kamay ko. May sinuot siyang flower bracelet sa wrist ko at hinalikan muna ang likod ng palad ko bago binitawan.

Parang nabato na nga ako sa kinatatayuan ko eh. Ang nagsisilbing buhay lang sa katawan ko ay yung puso ko na sobrang bilis sa pagtibok.

May sinuot din siya saking bulaklak na kwintas . Hinawakan niya ang kamay ko at pinaikot niya ako.

" We believe that through giving of flowers maipaparamdam namin sa inyo na kayong mga babae ay importante at swerte sa mundo. Para kayong mga bulaklak na namumukadkad sa ganda. Dito samin mas binibigyan ng importansiya ang babae dahil marami silang mga naging sakripisyo. Always remember that you're important, Iyah."

Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ka sa kaniya. Parang isang salita pa kasi niya at mahihimatay na ako sa sobrang pagpigil ng hininga.

Natauhan ako ng makarinig ako ng click ng camera.

" Oy!!! Ang pangit ko diyan no?!"

Tumatawang iniwas niya lang ang camera sakin. 5 pm natapos ang kasiyahan at may handaan malapit sa dalampasigan.

Parang little paradise tong Boipurendeu Village dahil mas maganda pa sa sikat na beach ang dagat nila dito. Sobrang puti din ng mga buhangin at nangingintab ang kulay crystal na tubig.

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora