Chapter 5 👑

64 4 1
                                    

[ Iyah's POV]

" Bakit ba kasi ako pumayag sa gusto ng Dodong na iyon?!"

Inis na inis na ako habang inaayos ang buhok kong naka two ears.

" Dahil kailangan mo siya sa project mo?"- 🍀

" O di kaya gusto mo din siyang i-cheer?"- 🍄

Napasigaw  na lang ako sa inis. Nakasuot ako ngayon ng pang cheer leader at matching pompoms pa. May match kasi ngayon ang Engineering at Education Department sa basketball at gusto ng damuhong mafeeling na Dodong na to na i-cheer ko siya! Kung hindi ko lang talaga siya kailangan! Matagal ko nang nabigyan ng upper cut iyon!

" In fairness ang cute mong tingnan kumars."- 🍄

" Sus ! Maliit na bagay."

Tinawanan lang nila ako. Papatayin ko na ngayon ng hiya ko.

Pinagtitinginan ako ng mga estudyante habang patungo kami ng gymnasium.

Ngayon lang ba nila nakita ang leader ng cheerleader. Pero joke lang! Hiniram ko nga lang to sa kaibigan ko ang damit na to.

Nasa loob na kami at agad kong nakita si Dodong na nakaupo sa area nila.

Lumapit kaming tatlo at tamang-tama na napalingon siya sakin.

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya na ikinadagdag ng inis ko.

" Subukan mo lang na pagtawanan ako at makakatanggap ka talaga ng suntok sakin."

Nag-iwas siya ng tingin at tumikhim na parang pinipigilan ang tawa.

" Iyah?"

Tumingin ako sa kaniya at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ng dalawang kamay niya ang mukha ko at binigyan ako ng ngiting nakakahimatay.

" In our tradition, if a guy holds your face closely and give you a smile it means na nagagandahan siya sayo. Ito ang way namin na iparating sa inyo na naa-appreciate namin ang kagandahan niyo. Don't forget to cheer me. This game is for you."

Napalingon lingon ako sa paligid para hanapin kung may banda pero parang nasa loob ng katawan ko yung tumatambol eh.

" Somethings fishy no kumars?"- 🍄

" Oo eh. Maliban sa katotohanang isda siya eh nakakaamoy parin ako ng malansa." - 🍀

Iningusan ko silang dalawa.

Ano bang problema ng lalaking iyon? Mukhang magkakaroon pa ako ng sakit sa puso sa mga pinanggagawa niya.

" Kumars! Cheer mo na si Dodong!"

Oh diba?! Kahit sila Dodong na ang tawag.

Hawak nilang dalawa ang banner para kay Dodong habang ako naman ay tod cheer. Naisip ko kasi na walang silbi tong costume at pa pompoms ko kung hindi ko na lang itotodo bigay diba?

Pangangatawanan ko na lang tong pagiging cheerleader ko. Once in a lifetime lang naman to.

" Kumars! Panalo si Dodong!!!"

Napatili naman ako at sa sobrang excitement sinalubong ko ng yakap si Dodong na nagulat yata sa ginawa ko.

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora