Chapter 9 👑

43 2 1
                                    

[ Iyah's POV]

Ang isa sa bucket list ko na gusto kong mangyari ay natupad na. Ang maka experience ng bonfire sa gilid ng dagat.

Masaya ngayong nagkakantahan ang mga kalalakihan na nakapalibot sa bonfire.

Walang tigil ako sa pagkuha ng litrato cause I don't want to miss this chance.

Malapit na din sa loob ko ang mga kababaihan dito at ngayon nga sinusuklay nila ang buhok ko at ginawa nilang braid . Nilagyan nila ng kung ano-anong palamuti ang buhok ko.

Hindi na ako nagulat ng biglang sinapo ng dalaga ang mukha ko at nginitian ako. Nagawa na to dati sakin ni Dodong eh.

Hinila nila ako patayo at dinala sa mga kalalakihan kung saan ang ibang mga kababaihan ay hinila din si Dodong palapit sakin.

" Can I have this dance?"

Nakaluhod ang kanang tuhod niya habang nakalahad sakin ang kanang kamay niya.

Nakangiting tinanggap ko ito at narinig ko ang palakpakan nila.

Kung pwede lang sanang hilingin na hindi na matapos ang gabing ito. Sumasayaw kami sa saliw ng musika at ang nagsisilbing ilaw namin ay ang bonfire at ang maliwanag na buwan.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya sa buong buhay ko. Naranasan ko din ang tinatawag na freedom.

Natapos ang tugtog at natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakap ng mahigpit si Dodong.

" Thank you for making me happy. Thank you for everything. Thank you for letting me feel that I am special. I've never been this happy in my whole life. Thank you, Donghyun."

" You deserve happiness, Iyah."

Napalayo lang kami sa isa't-isa nong magpapalitaw na kami ng kandila.

" Iyah? Show me your best smile."

Hawak niya ang camera ko kaya hawak ang bao ng buko na may nakasinding kandila, ngumiti ako sa kaniya.

After ng flash ng camera, nakapaang lumapit ako sa dalampasigan at tumigil nang nasa bandang tuhod ko na ang tubig. Pinalutang ko ang buko at agad na inanod naman ito palayo ng alon.

Nagmukhang may fiesta sa dagat dahil sa mga kandila. Bumalik ako kay Dodong at hawak niya ang tsinelas ko. Kinuha ko ito at nagpasalamat.





May hawak-hawak akong pusa habang naglalakad kami papunta sa tutuluyan namin.

Madami nga talagang pusa dahil kahit saan ako lumingon nakikita ko ang mga mata nila na kumikinang.

Pinakawalan ko na ang pusa ng nakarating kami ng kubo. Ang ilaw namin ay gawa sa asin at mantika. Napag-aralan ko to ang SALT Lamp eh. Di ko akalain na ito pala ang ginagamit nila dito.

Sa lapag kami nakahiga at magkalayo ang comforter namin.


" Nag-enjoy ka ba?"

Binaling ko ang tingin ko sa kaniya.

" Sobra. Parang gusto ko ngang tumira dito eh. Malayo sa ingay, pollution at gulo."

" You can only live here and be a permanent resident if you'll marry a man who lives here."

Natigilan ako sa sinabi niya. Parang may ibig ipahiwatig siya eh pero ayaw kong aminin sa sarili ko kung ano yun.

" Goodnight, Donghyun."

Nag-iwas agad ako ng tingin sa kaniya.

" Goodnight Iyah. Have a sweet dreams."

Nilamon na ako ng antok pero narinig ko pa ang pagbukas at pagsara ng pinto.

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Where stories live. Discover now