Chapter 18 : EPILOGUE 👸👑

66 3 2
                                    

[ Iyah's POV]

" Magandang umaga, mahal na reyna."

Nginitian ko ang mga nakasalubong kong mga dalaga.

" Magandang umaga. Mga binibini? Nakita niyo ba ang mga mahal na prinsesa?"

" Makita po sila namin sa dalampasigan kasama po ang mahal na hari."

" Maraming salamat."

" Walang anuman po."

Nagsimula na akong maglakad patungo sa dalampasigan. Anim na taon na pala ang nakalipas at kasal na kami ni Donghyun. Sabay na grumaduate kami ng college at agad na dinala niya ako dito sa Boipurendeu Village kasama ang mga magulang ko.

Pagkatapos ng pamamanhikan, kinasal kami after one year.

Naging abay sa kasal ko si Kumars Clover at Maica. Inimbitahan ko din si Ms. Paquibot.

Umuwi ang mga magulang ko sa Pilipinas at naiwan ako dito .

Noong una medyo nahirapan akong mag adjust lalo na sa formal na pananalita nila at siyempre ang mga tradisyon at paniniwala nila na kailangan kong sundin at aralin.

Naging prinsesa ako at hanggang sa pinanganak ko ang panganay namin na si Queenie Zoe na 5 years old na ngayon. Pagkatapos kong maipanganak ang bunso namin ni Donghyun na babae ulit na ang pangalan ay si Dongshin na 3 years old na ngayon, namatay ang mga magulang niya.

Kaming dalawa ang pumalit sa pwesto nila.

Nagpatayo kami dito ng photo studio para sa mga pumupuntang turista. Na apply ko naman ang course at passion ko.

Iniba namin ni Donghyun ang tradition na kung saan hindi namin sinang-ayunan ang hindi pagpapakita at pagpapalabas ng prinsesa o prinsipe.

Kaya ngayon malayang nakikisalamuha ang mga anak namin sa mga tao.

Napangiti ako ng makita kong naghahabulan sa ang hari at mga prinsesa ng buhay ko.

Mga tawa nila ang naririnig sa dalampasigan. Nilapitan ko sila at nang makita ako ni Zoe at Dongshin mabilis na lumapit sila sakin. Nagtago silang dalawa sa likod ko at napatakbo na din ako ng hinabol kami ni Donghyun.

" Lagot kayo sakin kapag nahuli ko kayo."

Walang tigil sa pagtili ang mga anak namin sa tuwing nahahawakan sila ni Donghyun sa kamay.

Natigil ang paghahabulan namin nang nahuli ako ni Donghyun at kinulong niya ako sa mahigpit na yakap.

" Good morning, my Queen."

Hinalikan niya ako sa labi na siyang kinangiti ko.

" Good morning, my King."

" You know what? I feel like I'm the luckiest man on earth."

" Why?"

" Dahil kasama ko kayo. Maswerte ako dahil dumating kayo sa buhay ko. I have nothing to wish for. Kaya palang tatlo sapat na. Matatawag ako na hari hindi dahil sa may korona ako kung hindi dahil may reyna at mga prinsesa ako. Mahal na mahal ko kayo."

" I love you too, my King."

" We love you too, Mama, Papa."

He's no longer be a prince in disguise but he's now my King for lifetime.



👑The End👑

My Prince in Disguise
@RochelleLee28
April 2020

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon