Chapter 16 👑

44 3 1
                                    

[ Iyah's POV]

Dalawangng buwan na ang nakalipas at paniguradong kinasal na si Donghyun at Princess Reign.

Sobrang lungkot lang kasi talagang isipin na hindi ko na siya makikita pa.

Parang na  apply ko din yung subject ni Ms. Paquibot na History dahil sa pictures ko na lang binabalikan ang memories naming dalawa sa Boipurendeu Village.

Nakakatawa lang isipin dahil sa ikli ng panahong magkasama kami, itong marupok kong puso agad na bumigay.  Sa huli ako parin ang naiwan at nasaktan.





Tumatakbo ako ngayon papasok sa gate dahil 10 minutes late na ako sa klase ni Ms. Paquibot. Napuyat kasi ako eh tapos ang dalawang bruha naman hindi ako ginising.

Nagpapa good vibes pa naman ako kay Miss. Pinagmamalaki niya kasi ako sa ginawa kong project eh.

Habol ang hininga na binuksan ko ang pinto ng classroom.

Nasa harap si Miss at mukhang nagsisimula na sila ng klase.

Inirapan ko ang dalawa na nag-iwas lang ng tingin. Guilty.

" Why are you late , Ms. Begino?"

Nakayukong lumapit ako sa kaniya.

" S-Sorry po Miss. Napuyat po kasi ako."

" Is that a valid reason?"

" No miss."

" Can you open the cartolina on the board?"

Tumango lang ako at nilapitan ang nakatiklop na kulay puting cartolina. Mukhang magre-report ako ng wala sa oras ah.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko at napatalon sa gulat ng marinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko.

" HAPPY BIRTHDAY IYAH!!!"

Gulat na nilingon ko si Miss at nakangiting inabot niya sakin ang isang flash drive na may red na ribbon.

" Happy Birthday, Maria."

Masayang niyakap ko siya.

" Thank you po Miss."

Hinarap ko ang mga kaklase ko.

" Thank you very much guys. Sobrang saya ko ngayon. Kung hindi dahil sa inyo baka nakalimutan ko na ang birthday ko eh."

" You can use that flash drive and insert that on my laptop. Someone wants to greet you."

Inilagay ko ang flash drive sa laptop ni Miss at may isang video lang na nandoon.

In-on ni Miss ang DLP kaya inopen ko na ang video. Tumabi ako kina kumars. Pinatay ng kaklase ko ang mga ilaw.

Nakatutok kami sa screen ng biglang lumabas ang picture ko na masayang sumasayaw sa lucky day. Hanggang sa sunod-sunod na nag flash ang mga stolen shots ko sa Boipurendeu Village.

Napaayos ako ng upo nang lumabas sa video si Dodong.

" Personal na binigay ko tong flash drive kay Miss Paquibot bago ako umalis. To my princess, Maria Begino. I want to greet you a happy happy birthday. Malungkot lang kasi dito na lang kita mababati. Mahirap din para sakin na iwanan ka pero wala akong magagawa. Hayaan na lang natin na tadhana na lang ulit ang magtatagpo ng landas natin. Mag-ingat ka lagi , Iyah. I still have to fulfill my duty as the Prince of Boipurendeu Village but I promise you that one day babalikan kita. Happy birthday, Iyah. I love you, my princess."

Last na picture na nagflash ay yung sumayaw kami sa bonfire. Natapos ang video na sobrang tahimik sa classroom. Nasubsob na lang ako sa upuan nang sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Where stories live. Discover now