Chapter 6 👑

48 2 0
                                    

[ Iyah's POV]

" Nandito na ba lahat ng gamit mo?"

" Oo, nasa loob na ng van."

Ngayon kami pupunta ni Dodong sa Boipurendeu Village at umarkela kami ng van for 2 days.

According sa mga nabasa ko makakarating ka sa village ng 8 hours sakay lang ng van. Mahaba-habang biyahe to.

" Sakay na Iyah para di tayo gabihin."

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok agad ako. Tumabi siya sakin at sinabihan ang driver na aalis na kami.

Napayakap ako sa sarili ko nang makaramdam ako ng ginaw. 3 palang kasi ngayon ng madaling araw at sinundo ako ni Dodong sa bahay na sakay na ng van . It means 11 AM na kami makakarating don."

" Are you cold? Nagdala ka ba ng jacket?"

Umiling ako. Bakit kasi sa dinami-dami ng gamit na dadalhin ko nakalimutan ko pa ang jacket.

"You can use mine."

May kinuha siyang black na jacket sa bag niya na may print na BOYFRIEND at pinalibot ito sakin.

" T-Thank you."

" No problem "

" Curious lang ako. Pag pumunta ba don ang mga turista sa village niyo? May entrance ba silang binabayaran?"

" No. They are required na dumala ng meat para sa mga pusa at as long as they are respecting and practicing our traditions and beliefs then they are welcome in our village."

" Napaka - hospitable pala ng mga tao don sa inyo no?"

" Yes. Marami na ngang nagpabalik-balik na tourist sa lugar namin eh. May tinatawag na ' Lucky Day' sa amin. Isa itong celebration every month to thank the heavens above for the blessings and success ng aming village."

" Talaga? So anong mga activities na ginagawa niyo?"

" In the afternoon, required ang lahat ng mga babae na pumitas ng mga bulaklak sa garden of blossoms at tinitipon nila ito sa pinakagitna ng mga bahay at ang mga katandaan ang gagawa ng coronang bulaklak pati na rin ng bracelet at necklace. Then ang mga lalaki naman ang required na maglagay ng mga crown, necklace at bracelet sa babaeng mahal at kinagigiliwan nila. Paikot na sasayawan ng mga babae ang mga bulaklak."

" Napaka-romantic naman. Pati ba mga turista pwedeng sumali?"

" Of course. Isa nga itong ' Lucky Day' sa dinadayo nila eh."

" Eh ano namang activities pagsapit ng gabi?"

" Katulad ng satin. Titipon ang mga kalalakihan para kumuha ng mga kahoy para makabuo ng bonfire. Magkakantahan sila at may gumagamit ng gitara o ano pang instrument. Ang mga babae naman ay  magpapalitaw ng kandila na nakalagay sa buko ng niyog patungo sa dagat."

" Parang gusto ko yung maransan! Iniimagine ko pa lang na ganun kasaya parang ayaw ko nang umuwi. Sayang 2 days lang tayo don."

" Then enjoy the moment pag nandon ka na."

" Lucky day niyo ba ngayon?"

" Yes, that's why I chose this day para madami kang pictures na makukuha."

" Waahhhh!!! Thank you talaga. Di na ako makapaghintay!"

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Where stories live. Discover now