Chapter 11 👑

44 3 1
                                    

[ Iyah's POV]

" Kamusta naman ang pagpunta mo don sa Boipurendeu Village kumars?"- 🍀

" Worth it. Di makakalimutan. Parang gusto ko kayong dalhin don kumars."

" Patingin nga ng mga pictures niyo sa camera."- 🍄

Binigay ko sa kanila ang camera at bumalik ako sa pag type sa laptop. 1 week na lang matatapos na tong project ko. Ibig sabihin 1 week ko na lang na makakasama si Donghyun.

" Ang sweet niyo dito kumars! Lakas maka kdrama!"

Inirapan ko lang sila.

" Paano na yan kumars? Diba may 1 week ka na lang? Pagkatapos non, back to normal na kayo."- 🍀

" Siguro."

" May feelings ka na ba ba kay Donghyun?"

Natahimik ako sa tanong nila.

" Ewan. Masaya naman ako pag kasama ko siya. Safe ako pag nandiyan siya at... m-malungkot yata ako pag magkikita kami sa daan at mag-iiwasan na parang walang pinagsamahan."

Nag-iwas ako ng tingin dahil naramdaman kong nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko.

" M-mahal ko na nga yata. Ayaw kong m-mawalay sa kaniya. Isipin ko pa lang na hindi niya ako papansinin, parang pinipiga ang puso ko."

Tinabihan nila ako at hinagod ang likod ko.

" Pwede niyo naman yang pag-usapan kumars eh. Malay mo mahal ka din ni Donghyun "- 🍀

" Magtapat ka kaya ng feelings mo? Wala namang mawawala diba? Bulag lang ang hindi maiinlove sayo."- 🍄.

" Sana nga ganun lang kadali magtapat ng nararamdaman. Sa kaniya lang ako pinanghihinaan ng loob."

" Hayyy!!! Ang drama natin kumars. I-enjoy mo muna ang nga natitirang araw niyo. Galingan mo din sa project mo kumars para sabay na tayong maka-graduate."- 🍀

" Salamat sa inyo. Kasalanan to ni Ms. Paquibot eh."

Tinawanan lang nila ako bago bumalik sa kaniya kaniya naming ginagawa.

" Ang dami palang pusa don kumars?! Buti na lang at di nila nilapa ang isdang katulad mo."

Baliw tong Clover na to. Basta kasi talaga pusa, pumupuso agad ang mata niyan. Kulang na lang nga balahibo , tenga at buntot sa kaniya papasa na siyang ina ng mga pusa.

" Ang sarap sigurong tumira don no?"- 🍄

" Kung pareho kayo ng nararamdaman kumars. Saan mo pipiliing manirahan? Dito o sa Boipurendeu Village?"- 🍀

Napaisip naman ako sa tanong niya.

" Mas pipiliin ko na lang sa Boipurendeu Village dahil hindi don maingay at napaka fresh ng hangin at napakalinis ng paligid don."

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Where stories live. Discover now