Chapter 12 👑

42 3 1
                                    

[ Iyah's POV]

" Sa tingin mo ano pa ang kulang sa project ko?"

Nandito ako ngayon sa boarding house ni Dodong at tinutulungan niya ako sa pag print ng mga papers ko.

" Interview"

" Oo nga pala no? Dagdag points pa yun eh. Pero babalik ba ulit tayo don para mag interview?"

" Hindi na. Nandito kaya ako."

Napapitik ako sa ere.

" Oo nga pala no? Bakit ko ba yan nakalimutan?"

Narinig ko ang mahinang tawa niya.

" Baka gutom ka lang?"

" Baka nga."

" Then magluluto muna ako ng kakainin natin."

Tumango lang ako dahil bay ako sa pag type.

Bigla akong nakarinig ng katok sa pinto kaya pinuntahan ko ito at binuksan.

" S-Sino kayo?"

Tuloy tuloy ba pumasok ang apat na lalaki na naka black suit. Parang mga guard sila ng president.

" D-Donghyun!"

Narinig ko ang yabag niya papalapit.

" Bakit ka sumi----"

Natigilan siya ng makita ang mga lalaki at mas nagtaka ako nang sabay-sabay na yumuko sila kay Dodong.

Maya-maya ay may dalawang babae na pumasok. Isang matanda at isang dalaga.

" Mahal na reyna, mahal na Prinsesa."

Nag bow si Dodong sa dalawang babae. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ibig sabihin nasa harapan ko ang reyna at prinsesa ng Boipurendeu Village?

" Ikinagagalak kitang makita, mahal na prinsipe."

Mas hindi ko kinaya ang sinabi ng prinsesa kay Dodong. Nagtataka na tiningnan ko siya na kabadong nakatingin naman sakin .





Naiwan kami dito ng prinsesa sa labas habang magka-usap ang reyna at si Donghyun.

" Anong pangalan mo binibini?"

Magalang na tumayo ako at yumuko sa harapan niya.

" Ako po si Maria, ' Iyah' na lang po, mahal na Prinsesa."

Mangha siyang nakatingin sakin.

" Alam mo ang pagbati samin. Ako pala si Reign."

" Tinuruan po kasi ako ni Dod-Donghyun tungkol sa tradisyon at paniniwala niyo po mahal na prinsesa."

" Mukhang matagal na kayong magkakilala ng mahal na prinsipe?"

Siya nga talaga yung Prinsipe. All this time kasa-kasama ko pala ang tumakas na prinsipe ng Boipurendeu Village.

" 3 weeks na po."

" 18 years ko na siyang kilala. Ganun ko na rin katagal na minahal ang prinsipe. Masasabi kong mahal mo din ang prinsipe."

Pinigilan ko ang maiyak dahil sa mga sinabi niya.

" Hindi ko po mahal ang prinsipe. Ang mahal ko po ay si Donghyun. Minahal ko po siya dahil sa kasungitan at kaseryosohan niya. Kahit ganun siya ni minsan hindi niya pinaramdam sakin na mag-isa ako. Pinaramdam niya sakin na importante ako at lahat ginagawa niya para matulungan at mapasaya ako."

Nakaunawang hinawakan niya ang mga kamay ko.

" Sana hindi ka mahirapan sa magiging desisyon mo, Iyah. Nandito kami ng mahal na reyna para pauwiin ang mahal na prinsipe upang gampanan ang kaniyang responsibilidad at ang maikasal sakin."

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Where stories live. Discover now