Chapter 15 👑

44 3 1
                                    

[ Iyah's POV]

" Maybe we're destined to meet but we're not really meant for each other. H-Hindi ako nagsisisi na nakilala kita, Donghyun. Pero wala nga talagang permanente sa mundo. Kailangan mong  harapin lahat ng responsibilidad mo. Kalimutan mo na lang na may nakilala lang Iyah."

Narinig ko ang paghikbi niya. Gusto ko mang manatili siya pero selfish ako kung sarili ko lang kapakanan ang iisipin ko.

Umalis siya sa yakap at hinarap ako. Awang-awa ako sa kaniya. Basang-basa na ang mukha niya sa luha. Masuyong pinahid ko ng kamay ko ang pisngi niya.

" N-Nahihirapan na ako Donghyun."

Sinapo niya ang pisngi ko at pinahid din ang luha ko.

" C-Can I kiss you for the last time?"

Doon na ako napahikbi at mas lumakas ang pag-iyak ko. Tumango ako sa kaniya at nang pababa na ang labi niya kusa akong napapikit.

" You don't want to see me leave right?"

Tumango ako.

" Promise me that you'll only open your eyes when you can no longer feel my presence. Kahit mahirap sakin kakayanin kong talikuran ka palayo. Mahal na mahal kita Iyah. Too bad, you can't be mine forever but you'll be here forever in my heart."

Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Pinaramdam niya sakin kung gaano niya ako kamahal .

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo. Kanina ko pa hindi nararamdaman ang presensiya niya.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nagising din ako sa katotohanang wala na siya at ikakasal na siya sa iba.

Iyak lang ako ng iyak habang nasa biyahe patungo sa boarding house ni Clover at Maica.

Ayaw kong dumiretso sa bahay dahil siguradong gigisahin ako ng mga magulang ko ng tanong.

Sunod-sunod na kumatok ako sa pinto nila.

" Sandali lang po! Tumatae pa yung tao!!!"- 🍀

Puno talaga to ng kalokohan kahit kailan.

Bumukas ang pinto at nagulat siya ng makita ako.

" Hala kumars? Anong nangyari sayo?"

Umiiyak na niyakap ko siya.

" Hala siya oh? Kalma kumars, pag-uusapan natin to sa loob."

Pinaupo niya ako sa kama at siya namang pagbukas ng pinto ng banyo. Si Maica, mukhang siya yung sinasabi ni Clover na tumatae.

" Anong nangyari kumars?"- 🍄

At yun umiiyak na kinuwento ko sa kanila ang lahat. Todo comfort naman sila sakin.

" Grabe naman pala yang si Donghyun eh. Akalain mo yun, prinsipe pala ng Boipurendeu Village."- 🍀

" Parang pang Wattpad naman pala ang love story niyo. Bumalik na ba talaga siya don?"- 🍄

Tumango ako. Tumahan na ako sa pag-iyak dahil wala na rin akong mailuha at ang hapdi na ng mata ko.

" Mahirap nga naman talaga yan kumars eh. Mahirap sa part mo kasi nga maiiwan ka at wala ka man lang kalaban-laban. Mahirap din sa part niya na pumili sa dalawa. Ang ikaw ang piliin niya o ang duty niya as a prince."- 🍀

" Basta tandaan mo lang kumars na nandito kami lagi para sayo. Iniwan ka man ng iba pero kaming best friend mo nandito parin para damayan ka sa problema mo. Huwag ka nang malungkot kumars."- 🍄

" Salamat ah. Kasalanan niyo tong tatlo ni Ms. Paquibot eh! Ipapa tulfo ko kayo! Kung di kasi dahil sa inyo hindi sana ako na hurt and run."

Nagtawanan lang sila sa sinabi ko. They're really my true friend. They never leave my side. They're always there for me.

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Where stories live. Discover now