Chapter 10 👑

43 2 1
                                    

[ Donghyun's POV]

I silently closed the door at pumunta sa bahay ni Arman at Ashanti. Naabutan ko si Arman na nasa labas ng bahay. Pagkakita niya sakin agad siyang yumukod.











" Magandang gabi, mahal na prinsipe."

" Magandang gabi, Arman. Anong balita kina hari at reyna?"

" Sa loob tayo mag-usap, mahal na prinsipe."

Pumasok kami sa loob.

" Mahal na prinsipe dalawang araw nang hindi lumalabas ang iyong ama at ina dahil sa nagkasakit ang reyna."

Nakaramdam naman ako ng pag-alala.

" Kamusta na ang reyna?"

" Ayon sa mga katiwala, mabuti na daw ang lagay ng reyna."

" Mabuti naman. Ang mga tao? Naghihinala na ba sila na tumakas ang prinsipe?"

" Sa ngayon wala pa namang naglakas loob na magtanong. Mahal na prinsipe, kailan mo po balak na manatili dito? Kailangan po namin ng prinsipe na tulad mo para pangunahan kami."

" Patawad Arman, hindi ko magagampanan ang posisyon bilang prinsipe. Matagal ko nang kinausap si ama at ina pero hindi nila ako sinasang-ayunan. Gusto kong mabuhay ng malaya. Oo mahal ko ang lugar natin pero hindi sa lahat ng buhay ko mananatili lang ako dito. Lalo na ngayon at may dahilan na ako upang manatili doon sa Pilipinas."

" Si Iyah ba, mahal na prinsipe?"

Napatango na lang ako. Sa ikli ng panahong nakasama ko siya, natagpuan ko na lang ang sarili ko na minamahal siya. Hindi naman siya mahirap mahalin eh.

" Natatakot ako na kapag nalaman to ni ama at ina ay baka ipilit nila ako na ipakasal kay Prinsesa Reign. Mahal ko si Iyah at siya lang ang babaeng papakasalan ko."

" Alam kong mahirap to para sayo, mahal na prinsipe. Kung kailangan mo ng tulong nandito lang po kami ni Ashanti."

" Maraming salamat, Arman. Mauna na ako dahil walang kasama don si Iyah."

Yumuko kami sa isa't-isa.

" Mag-ingat ka po, mahal na prinsipe."

Bumalik ako sa tinutuluyan namin ni Iyah. Mahimbing na siyang natutulog.

Malaya ko siyang pinagmasdan at maraming katanungan ang pumasok sa utak ko.

Natatakot ako na dumating ang araw na papipiliin ako.

Si Iyah na mahal ko?

O

Ang responsibilidad ko bilang prinsipe?

My Prince in Disguise (COMPLETE ✔)Where stories live. Discover now