CHAPTER 4

8.7K 435 27
                                    

❦❦❦

Nanginginig dahil sa lamig at ihip ng hangin sa gitna ng gabi, yakap-yakap ang sarili at hinihipan ang mga palad ng mainit niyang hininga. Basang basa ang kaniyang katawan at nilalamig habang naglalakad papunta sa kaniyang silid.

Madilim ang buong paligid at tanging liwanag lang na nang gagaling sa buwan ang ilaw ni Ellis, naglalakad sa mahabang pasilyo at naglalayag ang isip.

Napagpasiyahan niya na ang kaniyang gagawin, iniisip na kung sakaling ito na ang pangalawang buhay na binigay sa kaniya ay hindi niya na ito sasayangin at gagawin ang alam niyang tama.

Tutuparin niya na ang kaniyang plano, wala na siyang sasayangin na panahon. Dito na kang siya kukuha ng lakas para manatili sa lugar na ito.

Matapos niyang mag-isip isip ay tinuon niya na lang ang atensyon sa positibong paraan. Iyon ay ang baguhin ang istorya kasabay ng paghahanap ng paraan upang makabalik siya.

Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi, ilang linggo na rin siyang hindi na kakangiti ngunit hindi siya makapaniwala na makikita niya ang kinababaliwan niyang character sa istorya, iniisip na kung andito lang ang matalik na kaibigang si Janelle ay sabay silang sisigaw at maghahampasan sa tuwa.

"Wait ka lang d'yan mapren! Pagbalik ko sa taong 2020 ikukwento ko sayo ang kabaliwan na ginagawa ko." Para bang nabalik sa sarili niya si Charlie o Ellis matapos makita ang Duke.

Para siyang binigyan ng dahilan nito para mabuhay sa mundong hindi niya kinagisnan ngunit kilalang kilala niya, maliban sa kaniya ay siya lamang ang may kakayahan makita ang hinaharap.

Matapos niyang basahin ang mga huling tatlong chapters ng nobela ay alam niyang magiging malagim ito pagtapos mamatay ng Duke na si Marshall.

"Kung hindi lang baliw 'yung author ng LTCP edi sana pinagbuburulan na ko, masyado bang malakas 'yung fighting spirit ko para makapasok sa kwento?" Tanong nito habang lutang na naglalakad sa gitna ng pasilyo.

Mabilis naman na nabitawan ni Layla ang hawak na tray pagtapos makita ang alaga na basang basa at naglalakad sa gitna ng pasilyo sa madaling araw. Nung una ay kala niya'y isa itong multo ngunit ng maaninag ang pulang buhok nito ay alam niya ng ang alaga niya itong si Ellis.

"Milady! Anong nangyari sayo?" Mabilis niyang binalot ng kaniyang balabal ang dalaga at inalalayan ito para pumasok sa loob ng kwarto.

"Hi Layla," bati sa kaniya ni Ellis na may matamis na ngiti, si Layla lang ang siyang nagtityagang mag-alaga sa malditang binibining ito kaya naman lubos-lubos ang pasasalamat ni Charlie dahil sa pag-aalaga niya kay Ellis.

"Saan kayo galing? Bakit basang-basa kayo?" Tanong niya habang abala na hinahanda ang paliguan ni Ellis. Mabilis niyang hinubaran ang dalaga na kinagulat nito.

Hindi pa rin kasi sanay si Charlie sa pagiging Ellis na kung saan ay wala na itong gagawin kundi mag utos at paglingkuran na sobrang layo sa kinalakihan niya.

"Ah— Layla, pwede mo na kong iwan, You see big girl na ko kaya ko na maligo mag-isa," biglang na bitawan ni Layla ang sabon na hawak niya. Para bang tuwing magugulat ito ay nabibitawan lahat ng bagay na hawak-hawak.

"Ayos lang ba talaga kayo milady?" Tumango si Ellis at maluha-luhang niyang pinulot ang mga gamit saka inabot kay Ellis.

"Kaya ko na maligo at saka pwede mo ba kong ikuha ng Hot choco saka pandisal, nagugutom na kasi ako." Para bang tinamaan ng kidlat si Layla dahil sa marunong na ito humingi ng pakiusap na hinding hindi niya maririnig sa alaga niya.

"Yes milady, saglit lang po." Tumango ito at iniwan na si Ellis sa pagligo.

Sumampa siya sa loob ng malaking bathtub na puno ng iba't ibang uri ng bulaklak at halamang gamot. Sobrang bango ng tubig at mainiit din sa pakiramdam, halos antukin siya dahil sa sarap ng pakiramdam niya.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon