CHAPTER 9

6.8K 391 68
                                    

❦❦❦

"Maraming salamat Marshall, pero dapat pa ba kitang tawaging Marshall kung magiging Duke ka na?" Napatingin si Ellis sa kapatid na may pagtataka sa kaniyang mga mata. Iniisip na ano bang pinag-uusapan nila.

"Iyon ay kung maipapanalo ko ang digmaan," tugon ni Marshall kay Argus at napukaw ang pansin niya kay Ellis na nagtatago sa likod ng kaniyang kapatid.

"Pupunta ka sa digmaan?" Tanong nito at tumango lang si Marshall.

Alam na naman ni Ellis ang mangyayari ngunit ang pinagtataka niya ay bakit parang ang bilis ng takbo ng istorya? Ang pagkakaalam niya ay makikilala pa ni Marshall si Lucille sa mga darating na buwan ngunit bakit agaran ang pagsabak nito sa digmaan?

Marami pang mangyayari bago sumabak ang Goldton Empire sa gera, sa mga buwan bago ang kaganapan ay dapat nagkita na sina Lucille, Marshall at Argus. Marami pang tensyon ang kailangan maganap pero ngayon ay mas pinaaga ang mga pangyayari sa loob ng nobela.

Nagtataka tuloy si Ellis, hindi kaya ay dahil sa pakiki-alam niya o pagpasok niya sa loob ng nobela kaya bumibilis ang takbo nito? Bata pa lamang sila at wala pa siya sa coming of age niya kung saan magsisimula ang totoong takbo ng mga kabanata sa istorya.

"Kailan naman 'yun?" Muling niyang usisa sa dalawa.

"Ang expedition ay gagawin sa ikalawang linggo, nakakapanghinayang lang na hindi ako makakasama dahil sa magiging abala naman ako sa gawain bilang crown prince." Tugon ni Argus ngunit iba ang nasa isip ni Ellis, sa pagkakaalam niya ay pakana ito ng Empress kung saan iiiwas niya sa digmaan ang Crown prince saka niya ipapapatay si Marshall ngunit hindi iyon uubra dahil sa tinatagong lakas ng duke.

"Paumanhin po your grace, ngunit pupwede ko ba kayo makausap?" Singit ng isang lalaki na nakatawag pansin nilang tatlo.

"Ah— sige sandali lang," tumingin siya sa dalawa at nagpaalam na.

"Maiwan ko muna kayo d'yan, wag kayo mag-aaway ha, Ellis!" Inirapan niya lang ang kapatid dahil akala nito ay siya pa din ang Ellis na laging inaaway si Marshall.

Naiwan ang dalawa na pinag-umpukan ng mga tingin ng bawat bisita, dahil ito ang unang pagkakataon na makikita nila ang dalawa na magkasama. Kilala kasi ang dalawang ito bilang aso't pusa dahil sa pagiging pilya ng prinsesa, alam din ng lahat kung gaano kagalit ang batang Duke sa prinsesa.

Ngunit mukhang nagbago na nga nang tuluyan ang takbo ng nobela, dahil hindi alam ng lahat na ang dahilan ng pagdalo ng batang Duke ay dahil para makita niya ang prinsesa.

Hindi matanggal ni Marshall ang tingin kay Ellis, mula sa kulot at mahabang pulang buhok nito na bagay sa suot niyang puting bistida ay talaga namang nakakabighani sa puso ng mga kabinataan.

Talagang inalam ni Marshall ang kulay ng susuotin ng dalaga upang pamaresan niya ito, parang pinag-usapan tuloy nila ang kanilang susuotin sa kasiyahan.

"My Lord? Kumain ka na ba?" Tanong nito at kumunot naman ang noo niya sabay iwas ng tingin sa dalaga.

Doon lang na pagtanto ni Marshall na kanina niya pa tinititigan ang magandang dilag, tila ba nahipnotismo ng kagandahan nito.

"Oo, maiwan na kita dito at hindi ako sanay sa mga mata ng tao," naglakad siya papunta sa balkunahe ng palasyo at sinundan naman ito ni Ellis.

"Sure ka kumain kana? Pwede kitang ikuha ng dessert," umiling siya sabay buntong hininga.

"Ba't mo ba ko sinundan dito?" Sumandal si Ellis sa tarangkahan at tumingala saka dinama ang malamig at preskong simoy ng hangin.

"Para makaiwas din sa tingin nila," tinukod ni Marshall ang dalawang braso sa tarangkahan at pinagmasdan ang malawak na lupain sa gabi.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon