CHAPTER 25

4.6K 246 52
                                    

DEDICATED TO: reeeeyyyn

❦❦❦

Sa Royal palace bago sumapit ang royal hunt ay pinatawag ni Empress Remelia ang kaniyang anak na si Argus.

Nakadekwatro ito habang inaantay ang pagpasok ng panganay na anak sa silid.

"Greetings your highness, pinatawag niyo daw po ako." Banggit ni Argus at sinenyasan siya ng kaniyang ina upang umupo.

Nakasimangot ito dahil alam niya ang ina ang may pakana ng pag-alis ni Lucille sa palasyo, nais ng kaniyang ina na ilayo siya sa dalaga at gamitin ito upang maging mata niya sa Harridan Estate.

"Wag mo kong simangutan Argus, ina mo ko alam ko ang tumatakbo sa utak mo." Napanguso na lang ang binata at kumuha ng pagkain na nakahain sa harap niya.

"Kaya kita pinatawag dito ay dahil kay Lucille, alam kong may pagtingin ka sakaniya," muntikan na maibuga ni Argus ang nginunguya niya dahil masyado niya minamaliit ang ina niya kung iniisip niyang hindi alam nito ang nararamdmaan niya.

"Pano niyo naman nalaman?" Tanong nito at ngumisi na lang ang empress dahil sa kamangmangan ng anak.

"Wag mo na intindihin iyon, nais ko lang ipaalam sayo na maaari mo na siyang gustuhin dahil siya rin naman ang magiging fiancee mo." Napatayo si Argus sa balitang narinig at hindi makapaniwala sa sinabi ng ina. Hindi niya alam kung sinusubok lang ba siya nito o pinaglalaruan.

"Ano bang mga biro ang sinasabi niyo ina?" Sinenyasan niya ang anak na umupo at huminahon.

"Natagpuan naming buhay ang Duke ng Brentwood at nasa puder ko siya ngayon, ngunit dapat wala muna makaalam nito hanggat hindi na aayos ng Duke ang mga naiwan niya. Naiintindihan mo ba?" Seryosong tumango si Argus at hindi makapaniwala na babalik si Lucille sa pagiging mayaman nito.

"At isa pa may regalo pala ako sayo para sa darating na Royal hunt, Thomas pakikuha ang kahon." Tumango ang katulong nito at inilapag sa ibabaw ng mesa ang isang kahon.

"Buksan mo anak," utos nito at inangat ni Argus ang takip ng kahon saka tumambad sakaniya ang bagay na ngayon niya lang nakita.

"Ano ito ina?" Ngumiti lang ng malambing ang empress at hinayaan na ang katulong niya ang magpaliwanag ng bagay na nasa kahon.

"Isa po itong uri ng bagong armas, tinatawag na rifle gun o baril sa lalawigan natin your grace, kinakasa po siya at magbubuga ng tinatawag nilang bala na siyang tatama sa kalaban mo, isang uri ng armas na ginagamit na ng mga tiga norte sa labanan," tumango si Argus at namangha sa bagay na iyon.

"May isang linggo ka pa para pag-aralan iyan anak, gamitin mo sa royal hunt at mag uwi ng malaking papremyo na iaalay mo sa magiging fiancee mo," kitang kita ng empress ang pagkinang ng mata ng anak at gumuhit ang malapad na ngiti nito sa labi na may ibang kahulugan pala.

❦❦❦

At sumapit na ang araw ng Royal hunt, iba't ibang rango ng matataas na pamilya ang pumunta. Halos lahat ng mayayaman at makapangyarihang tao ay dumalo sa kasiyahan na ito.

Bumaba mula sa itim na karwahe si Marshall at sumunod na lumabas mula dito si Ellis, kay ganda sa paningin tignan ang imahe ng dalawa habang inaalalayan ng Duke ang magiging asawa nito bumaba sa karwahe.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon