CHAPTER 27

4.5K 253 55
                                    

DEDICATED TO: louiesaline

❦❦❦

Lumabas ng silid ang doktor mga dalawang oras lumipas nang mangyari ang tragedya.

Agad na napatayo silang magkapatid at ang iba pang kaibigan ni Marshall na nag-iintay sa silid.

Tumango ang doktor at mukha naman itong kampante na nagbigay ng lakas ng loob kay Ellis.

"Ayos na ang Duke, nagtamo siya ng malalim na sugat sa kaniyang tadyang at maswerteng hindi kumalat ang metal sa loob ng katawan niya. Ilang araw lang ay magigising na siya, ipanalangin na lang natin ang mabilisan niyang paggaling." Sabay-sabay silang nakahinga ng maluwag lalo na si Argus na tinalo pa si Ellis sa pag-iisip.

"Pwede ko ba siyang makita doktor?" Tanong ni Ellis at tumango ang doktor, ngunit bago pa siya makatayo ay nakita niyang pumuwesto ang mga Heneral ni Marshall sa harap ni Argus.

"Your grace, lingid sa autoridad na hawak niyo ay hindi rin lingid samin ang kasalanan na nagawa niyo, kahit na nasasakupan niyo ang Duke ay isang pagtatangka ng pagpatay ang ginawa niyo sa head ng Harridan Estate," tumango si Argus, alam niya ang nagawang kasalanan.

"Alam ko, at nakahanda akong tanggapin ang parusang ipapataw sakin." Tumango si Fregenick at hindi naman makagawa ng hakbang si Ellis para sa kapatid.

Napukaw naman ang pansin nila sa mga Royal Knight na nasa labas, pumasok si general Shalom ang personal Knight ng emperor upang sunduin si Argus.

"Mula sa utos ng inyong ama, ako si General Shalom Vargas ay hinuhuli ang Crown Prince sa tangkang pagpatay sa Duke ng Harridan, maanong sumama kayo ng malumanay sakin your grace," tumingin si Argus kay Ellis at ngumiti ito ng malungkot.

"Maaari bang masilip ko saglit si Marshall?" Tumango ang heneral at ganoon din si Ellis sakaniya.

Pumunta siya sa harap ni Marshall na walang malay na nakahiga at puno ng aparato ang katawan.

May benda din ito sa kanang bahagi ng kaniyang tadyang. Maputla at pawang mahina ang paghinga nito.

"Hindi ko sinasadya, nabulag ako Marshall, patawarin mo sana ako." Tumulo ang luha ni Ellis matapos makita ang mukha ng kapatid na sobrang nagsisisi.

Lumabas ito ng kwarto at sumama sa royal knight sakay ng isang puting karwahe.

Sinara ni Ellis ang pintuan at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Marshall, hinawakan niya ang malamig na kamay nito. Halos madurog ang puso niya habang tinitignan ang lalaking mahal niya na walang malay.

"Akala ko huli na ko para iligtas ka, kinakabahan ako na baka wala kana. Ano ba kasing ginagawa mo ha!" Tanong niya sa lalakiing mahimbing ang tulog sabay tulo ng mga luha niya sa mata.

"Akala ko hindi kana babalik, halos mamatay na ko sa kaba. Kung pwede lang lagi tayo magkasama ay hindi na kita lulubayan pa para pag may nangyaring masama sayo ay ako na ang sasalo! Mababaliwala ang sakripisyo ko sa mundong ito kung mamatay ka lang din! Alam mo ba iyon? Hindi ako makabalik sa mundo ko dahil pinili kitang iligtas dito tas ang kulit-kulit mo! Para kang hinahabol ng kamatayan, lagi kang napapahamak." Hindi na napigilan ni Ellis ang paghagulgol at napayuko na lang sa kama habang mahigpit na hawak ang kamay ng lalaking mahal niya.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon