CHAPTER 30

6K 342 148
                                    

❦❦❦

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❦❦❦

"Marshall Harridantinaguriang Dark Lord ng lahat ng kaniyang nasasakupan, hindi makikitaan ng mga ngiti sa kaniyang mukha at bibigyan ka ng malamig na tingin mula sa kaniyang asul na mata.

Ngunit ang hindi nila alam ay ang lalaking ito ang pinakamalambing sa lahat, gagawin niya ang kahit anong bagay upang maprotektahan at mapasaya niya lang ang mga taong iniingatan niya.

Mabait at maalaga sa kinasasakupan niya, pinapahalagahan niya ang bawat tao at tinitignan ito ng pantay-pantay sa kaniyang mga mata.

Sabi nila ay pinakaswerte ka kung ikaw ang mamahalin niya, dahil ikaw lang ang papakitaan niya ng mga bagay na hindi mo maiisip na ginagawa ng isang Dark Lord na katulad niya.

Katulad ng mga ngiting sing tamis ng mga pulot ng bubuyog at mga paglalambing na hindi ka manlalamig.

Idagdag mo pa ang mukha niyang nakakahumaling tignan na parang buwan sa gitna ng gabing madilim.

Kaya kung mamahalin ka ng lalaking ito, wala ka nang mahihiling pa dahil para sa 'kin ay siya ang lalaking bida sa sarili kong nobela.

Sa buhay kong kahit maikli lang ay pinuno niya ng saya."

Tumulo ang luha niya matapos makita ang huling katagang nakasulat sa liham na hawak niya.

Hinagkan niya ang ulo ng babaeng nahihimlay sa bisig niya, maputla na ito at pawang hirap huminga.

"Ibabalik na ba kita sa loob?" Tanong ni Marshall sa kaniya at umiling lang ito saka malamyang hinawakan ang braso niya.

Nakatingin ito sa malayo at tinititigan ang mga bulaklak na nakalutang sa sapa. Tumingala ito at ngumiti sa harap niya.

Napatingala na lang siya ng tingin dahil ilang segundo na lang ay tutulo na ang mga luha niya.

Hirap na din siya sa paghinga at sumasakit na ang lalamunan niya sa pagpipigil ng luha niya sa mata, ngunit ayaw niyang umiyak dahil alam niyang maiistorbo niya ang pamamahinga ng babaeng mahal niya.

"Nais mo bang ikuha kita ng isa sa mga bulaklak?" Tanong nito sa dalaga at tumango ito bilang sagot sa kaniya.

Hindi siya umalis sa pwesto niya o gumalaw man para hindi maistorbo ang kaniyang asawa na nakahiga sa bisig niya.

Pilit niyang inabot ang pinakamalapit na bulaklak sa tabi niya at ibinigay ito sa kamay ng kaniyang asawa.

Marahan itong hinawakan ng binibini ngunit ilang beses itong bumabagsak sa kamay niya.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon