CHAPTER 18

6.1K 330 40
                                    

❦❦❦

Umalingawngaw ang bulungan sa loob ng banquet hall, lahat ng mga nakarinig ng hiling ni Marshall ay na gulat. 

Halos manginig naman sa galit ang empress matapos marinig ang salitang iyon, agad niyang hinawakan ang kamay ng emperor at umiling dito.

"Hindi mo pwedeng ibigay si Ellis kay Marshall, Stephan. Nakatakda na siyang ikasal sa House Blakesley at isa pa alam mo naman ang mangyayari kay Ellis," bulong nito sa asawa na at tumingin naman ang emperor kay Marshall na patuloy na nakaluhod sa harap niya at lumipat ng tingin sa anak niyang babae na halos gulat na gulat pa din.

Matagal nang napapansin ng emperor ang pagiging malapit ng dalawa, bukang bibig din ito ng anak tuwing nagmemeryenda sila sa labas. Hindi alintana sakaniya na maaring ikasal ang dalawa dahil sa pangalawang pinsan lang ni Ellis si Marshall at parang iisa pa din ang lakas ng Mc Allister kung ikakasal ito sa Harridan.

Napahawak siya sakaniyang bigote habang nag iisip ng malalim, mga segundong nagbibigay kaba sa lahat.

Hindi naman makapaniwala si Ellis sa sinabi ni Marshall at panay ang tingin kay Lucille, hindi niya alam na aabot sa ganito ang pagbabago na maidudulot niya. Isa siyang kontrabida at higit sa lahat siya ang dahilan ng paghihirap ni Marshall noong bata pa ito.

Mariin niyang hinawakan ang kaniyang mga kamay, hindi mapakaling kinukotkot ang mga kulo niya sa kaba.

"Kung iyan ang nais ng Duke, bakit hindi! Siguraduhin mo lang hindi iiyak ang prinsesa ko." Banggit ng emperor na kinagulat ng lahat.

Nagsimulang magsipalakpakan ang mga tao na nagbubunyi din sa bagong balita, para bang sobrang daming magaganap sa loob ng emperyo sa maikling panahon lamang.

Tumunog ang malakas na musika at inilahad ni Marshall ang kamay sa prinsesa na hanggang ngayon ay tulala pa din sa balita.

"Maaari ba kitang maisayaw your grace?" Tumingin muna siya sa kaniyang ama at tumango ito. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa binata at muling nagsipalakpakan ang mga tao.

Hindi naman natiis ni Empress Remelia ang pagkadismaya sa asawa at naglakad palabas ng banquet hall. Habang nagngitngit ang kaniyang mga ngipin ay nagpaplano na siya ng bagong gagawin.

Samantalang si Argus ay hindi pa rin makapaniwala, mukhang mas apektado pa ito kesa sa kapatid at panay ang tanong sakaniyang ama.

"Seryoso ba kayo? Fiancé niya na si Marshall? Totoo bang pinapayagan niyo silang dalawa? Your Majesty alam niyo ang kalagayan ni Ellis," tumango ang ama nito at tinapik ang balikat ng binata.

"Hindi ba't mas maganda kung sumaya siya sa piling ng taong mahal niya?" Wala nang nagawa ang prinsepe kung hindi mag-alala ngunit may saya din sa puso niya kapag nakikita ang kapatid na nakangiti sa piling ng Duke. 

Halos lamunin naman ng lupa si Ellis dahil sakaniyang hiya, hindi siya makatingin sa binata na hawak ang bewang at kamay niya.

"Kung alam ko lang na ganito ang gusto mo edi sana nag wedding dress na ko," bulong niya sa sarili ngunit napatawa ang Duke at ngumiti sa harap niya.

"Kahit naman ano suot mo ay maganda ka sa paningin ko, ikaw ang pinakamagandang babae para sakin." Halos mamula si Ellis na kinatawa ni Marshall.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon