CHAPTER 23

5K 311 54
                                    

DEDICATED TO:  micaroseeee


❦❦❦

Minulat ni Ellis ang kaniyang mata at sinipat ang kabilang bahagi ng kama, nakita niya si Marshall na mahimbing na natutulog sa tabi niya.

Mahina itong humihilik na nagpatawa sakaniya, para itong bata na komportable matulog sa tabi ng kaniyang ina. Hahaplusin niya sana ang buhok nito nang biglang bumukas ang pinto.

Agad na nagising si Marshall at si Ellis naman ay otomatikong napabangon sa higaan. Nakita nila ang gulat na gulat na mukha ng mga katulong, isa na doon ay si Layla at nabitawan nito ang dala niyang panlinis ng kwarto.

"Mi-mi-milady? My lord?" Tanong nito dahil sa gulat at mabilis silang lumabas ng kwarto na takang taka.

"Pagpaumanhinan niyo po kami!" Sigaw nito mula sa labas ng pintuan at hindi pa rin makapaniwala sa nagawa nilang kasalanan.

"Bakit wala sila sa emerald room," bulong ng ilang katulong at iyon din ang tanong sa utak ni Layla.

Lumabas ang dalawa na pulado ang mukha at humingi naman ng paumanhin ang mga katulong. Agad na umalis si Marshall dahil hindi nito kayang ipakita ang mukha niyang sing pula ng kamatis samantalang panay kamot naman ng ulo si Ellis.

Simula ng araw na iyon ay kumalat ang balita sa loob ng manor. Balitang nagsasabing hindi na natiis ng Duke ang pagdating ng prinsesa sa kanilang kwarto na nagdulot ng pagtulog nilang dalawa sa mismong kwarto ng prinsesa.

"Milady, pagpaumanhinan niyo po talaga kami. Hindi ko po talaga sinasadya." Banggit nito habang sinusuklayan ang buhok ng alaga.

Hiyang hiya naman si Ellis dahil nakita pa nila ang mga pang-yayari na iyon, tumango na lang siya sa katulong at tinuro ang mga dukomentong nasa ibabaw ng lamesa niya.

"Kalimutan mo na ang bagay na iyon, dalhin mo na lang ang mga bagong designs ng damit sa boutique ko mamaya," tumango si Layla at pagtapos pagsilbihan ang alaga ay umalis na ito para pumunta sa Capital City.

Pumunta naman sa library si Ellis upang maghanap ng iba pang impormasyon tungkol sa bagay na sinabi ni Alexis sakaniya, kung totoo ba ang bagay na Reincarnation at paglalakbay ng diwa ng isang tao.

Umupo siya sa isang upuan na malapit sa bintana saka nilapag ang mga hawak niyang libro na maaaring magsabi sakaniya ng katotohanan. Isa-isa niya itong binuklat at naghanap ng sagot saka napukaw ang mga mata niya sa isang imahe.

Imahe ito ng pulang bulaklak, madaming tawag sa bulaklak na ito ngunit kilala ito sa tawag na red spider lilies o higanbana sa mga lugar sa silangan. Sinasabi rin sa libro na isa itong uri ng bulaklak na gagabay sayo pag ikay namatay o tinatawag nilang samsara, the cycle of rebirth.

Napatigil si Ellis at pawang inaalala lahat ng mga nangyari sakaniya, kasama niya ang bulaklak na ito nang maaksidente siya at nang malunod naman si Ellis sa sapa ay pinaliligiran din siya ng mga bulaklak na ito.

Hindi kaya konektado ang lahat dahil dito? Pati ang kwento ni Alexis at ang mga panaginip niya bilang Justine.

Muli siyang nagbasa ng mga libro tungkol sa angkan nila at nang makita niya ang bagay na hinahanap niya ay agad niya itong sinulat sakaniyang kwaderno.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon