CHAPTER 28

4.7K 262 44
                                    

❦❦❦

Niyakap niya si Marshall mula sa likod ngunit hindi ganoon kahigpit dahil sa takot na masaktan ito dulot ng kakaopera lang na tagiliran ng Duke.

Naramdaman niya ang paghagkan ng malaking kamay nito sa braso niya, medyo malamig ang palad ng binata na kinalungkot niya.

"Maaari ka na bang tumayo?" Tanong niya habang pinapakinggan ang tibok ng puso ng Duke mula sa likod nito.

"Ayos na naman ang pakiramdam ko, hinanap agad kita dahil wala ka sa tabi ko. Saan ka ba galing?" Humarap sakaniya si Marshall at tinitigan lang ang mukha niya ng may pag-aalala.

"May inayos lang ako," tumango ito sakaniya at inabot ang mukha ng prinsesa, hinawakan niya ang mukha ni Ellis at hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa magandang mukha nito.

Automatikong pumikit ang mga mata ni Ellis at dinama ang paglapat ng labi ni Marshall sakaniya.

Para bang kay tagal nilang inaantay maulit ang mainit na halik na ito, tinugunan nila ang malumanay at matamis na halik ng bawat isa na tumagal ng minuto.

Habol hininga ni Ellis na binuksan ang kaniyang bibig ngunit bago pa siya makasinghap ng hangin ay sinakop na ng Duke ang kaniyang labi.

Nais niyang umangal at tapikin ang binata ngunit pawang lunod na lunod ito sa mga halik niya, gutom o sabik sa mga labi niya.

"Ellis," bitaw nito at sabay bukas naman ng mga mata ng dalaga.

"Magpakasal na tayo, hindi na ko makapag-intay pa. Natatakot ako na baka mawala ako nang hindi kita napapakasalan," lumaki ang mata ni Ellis sa gulat.

Iyon din ang na iisip niya at tumatakbo sa utak niya noong malaman niyang bilang na ang mga araw niya.

Akala niya siya lamang ang nag-iisip noon at pawang makasarili dahil kung mamamatay siya ay matatali ang Duke sakaniya at maiiwan niya ito nang mag-isa, ngunit ganito din pala ang na iisip ng lalaking mahal niya.

Tumango siya at sumangayon sa nais ng Duke, gusto niya sanang aminin ang problema niya ngunit ayaw niyang putulin ang kasiyahan nilang dalawa ngayon.

"Talaga ba? Pumapayag ka?" Tumango siya dito at niyakap ang binata.

"Oo kahit bukas na agad," na iyak siya dahil sa tuwa at lungkot na nararamdaman niya.

Alam niyang walang sikreto ang binata sakaniya ngunit siya ay puno ng mga ito, katulad na lang ng hindi naman talaga siya si Ellis at ang nalalapit niyang kamatayan.

"Ayos lang ba talaga sayo na matali ka sakin? Wala nang urungan 'to," ngumiti si Marshall sa paghahamon sakaniya ni Ellis at hinawakan ang baba ng dalaga.

"Oo gustong gusto na nga kitang angkinin," napatawa na lang si Ellis at muling dinama ang maiinit at matamis na halik ng Duke.

❦❦❦

Lumipas ang mga araw na abala ang buong Harridan Estate, pawang walang pahinga ang mga katulong at iba pang mga nag aasikaso ng nalalapit na kasal, imbes na ilang buwan pa ang lilipas bago ang kasal ng dalawa ay naging isang buwan na lang ito.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon